Date of Publication

12-1-2025

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Communication

Subject Categories

Communication

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Communication

Thesis Advisor

Nathaniel M. Arciaga

Defense Panel Member

Kristoffer G. Brugada
Norman S. Zafra
Laui Guico

Abstract (English)

This thesis examines the information ecosystem disrupted by the proliferation of disinformation supported by an industry that deliberately orchestrates both its existence and distribution. Disinformation is a form of manipulation focusing on inculcating ideologies to benefit those seeking to maintain economic or political power. The material is inspired by the authors’ research on disinformation schemes deployed by two distinct Filipino presidents: the Duterte administration’s disinformation, in which false narratives are used to justify the measures taken during his notorious campaign against drug offenders; and the Marcos regime’s use of false information to depict a distorted and positive narrative about the late Marcos Sr.’s reign.

The mystery/drama short film entitled Ano ka ba?! follows a linear narrative that shows the lives of two students who notice strange activities in their school after the return of their principal, who had been suspended for inflicting violence as a punishment against a student. The 15-minute short film utilizes cool-toned colors, such as muted hues of blue and green, to further convey the themes of danger and violence. The material also applies a 1920 x 1080 MP4 format and includes its own English subtitles, aiming to reach a wider audience.

Through this work, the authors aim to highlight the damaging effects of disinformation on young individuals, particularly those who choose to speak out against the system, leaving them defenseless in the face of established practices. Thus said, it hopes to evoke a sense of discomfort in its audience that will spark conversations about the prevailing system of disinformation.

Abstract Format

html

Abstract (Filipino)

Sinusuri ng pananaliksik na ito ang sistemang impormasyon na nagagambala ng disimpormasyon, kung saan ito ay sinusuportahan ng industriyang sadyang nag-oorganisa sa pag-iral at pag-usbong nito. Ang disimpormasyon ay isang uri ng manipulasyon na nakatuon sa pagtanim ng mga ideolohiya na siyang nagbibigay benepisyo sa mga indibidwal na nais pangalagaan ang kanilang kapangyarihang pang-ekonomiya at politikal. Ang materyal na ito ay hango sa pananaliksik ng mga manunulat tungkol sa mga stratehiya ng disimpormasyon ng dalawang magkaibang pangulo ng Pilipinas: ang disimpormasyon ng administrasyong Duterte, kung saan ang pagpapakalat ng mga mapanlinlang na naratibo ay ginamit upang bigyang-katwiran ang mga hakbang sa kampanya laban sa droga; at ang paggamit ng rehimeng Marcos ng hindi makatotohanang impormasyon upang maglarawan ng baluktot at positibong naratibo ukol sa pamamahala ng yumaong Marcos Sr.

Ang maikling pelikulang mystery/drama na pinamagatang Ano ka ba?! ay isinasalaysay sa linyar na naratibo kung saan ipinapakita ang buhay ng dalawang estudyanteng nakakapansin ng kakaibang gawain sa kanilang paaralan pagkatapos makabalik ng kanilang punong-guro mula sa suspensyon, nang pisikal na manakit ito bilang parusa sa isang estudyante. Bukod pa rito, ang maikling pelikula na tumatagal ng 15 minuto ay gumamit ng mga cool-toned na kulay katulad ng hindi matitingkad na bughaw at berde, upang mas maibahagi ang mga tema ng panganib at karahasan. Ang materyal ay gumamit din ng 1920 x 1080 MP4 na pormat at naglagay ng subtitle na Ingles, upang makaabot sa mas malawak na manonood.

Sa pamamagitan ng maikling pelikulang ito, nais ng mga mananaliksik na ihayag ang masasamang epekto ng disimpormasyon sa kabataan, lalo na sa mga indibidwal na kumokontra sa sistemang ito, na siyang nagtutulak sa kanila na maging walang kalaban-laban sa harap ng mga itinatag na kasanayan. Sa makatuwid, hangad ng pelikulang ito na umusbong ang pagkabagabag sa mga manonood na siyang magbubunga ng produktibong diskurso tungkol sa umiiral na sistema ng disimpormasyon.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Electronic

Keywords

Disinformation; Short films

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

12-5-2027

Available for download on Sunday, December 05, 2027

Share

COinS