Date of Publication

12-1-2025

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Communication Arts

Subject Categories

Communication

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Communication

Thesis Advisor

Vincent Oliver Cheng

Defense Panel Chair

Kristoffer G. Brugada

Defense Panel Member

Laui Guico
Clodualdo A. del Mundo Jr.

Abstract (English)

This film explores the Filipino value of pagpaparaya, the act of self sacrifice for the sake of peace, and how it can evolve into emotional avoidance when love is expressed through silence. With original compositions, Ang Tunog ng Katahimikan captures the bittersweet warmth of Filipino homes while revealing the costs of hiding your true emotions behind them. Each song reflects a stage of the mother and daughter relationship, from harmony and denial to confrontation.

Ang Tunog ng Katahimikan is a musical short film that explores the quiet tension between love and silence in Filipino families. The film follows Maria, a mother who hides her emotions through cheerful music and everyday household routines, and Maya, her daughter who yearns for her mother’s true emotions. As their distance grows and tensions rise, music becomes their shield and a way for them to connect what words cannot.

Grounded in Filipino culture, Ang Tunog ng Katahimikan depicts the generational gap between expressions of love. It aims to invite viewers to reflect on how pagpaparaya can both hold families together and quietly push them apart, while offering a reimagined understanding of love as empathy.

Using a qualitative approach, the study integrates focus group discussions and in-depth interviews to examine how pagpaparaya influences communication and emotional expression. Findings reveal that silence is perceived as respect or strength within Filipino households, yet this silence promotes emotional suppression and loneliness across generations.

1080P. MP4 Format. Running time of 20 minutes, 30 seconds.

Abstract Format

html

Abstract (Filipino)

Ang ipinapakita ng pelikulang ito ay yung pagpapahalagang Pilipino ng pagpaparaya ang sadyang pagsasakripisyo para sa kapayapaan at kung paanong maaari itong mauwi sa pag-iwas sa damdamin kapag ang pag-ibig ay ipinahahayag sa pamamagitan ng katahimikan. Sa paggamit ng mga orihinal na komposisyon na musika, ipinapakita ang Ang Tunog ng Katahimikan ang magkahalong saya at lungkot ng mga tahanang Pilipino habang ibinubunyag ang mga kapalit ng pagtatago ng tunay na emosyon sa likod nito. Bawat awitin ay sumasalamin sa bawat yugto ng relasyon ng mag ina mula sa pagkakaayon at pagtanggi hanggang sa pagharap sa katotohanan.

Ang Ang Tunog ng Katahimikan ay isang maikling musikal na pelikula na sumusuri sa tahimik na tensyon sa pagitan ng pag-ibig at katahimikan sa mga pamilyang Pilipino. Ikinukuwento nito si Maria, isang inang itinatago ang kaniyang damdamin sa likod ng masiglang musika at araw-araw na gawain sa bahay, at si Maya, ang kaniyang anak na naghahangad na maramdaman ang tunay na emosyon ng kaniyang ina. Habang lumalayo ang kanilang loob sa isa’t isa at lumala ang tensyon, nagiging kanlungan at tulay ang musika upang maipahayag nila ang mga damdaming hindi kayang sabihin ng mga salita.

Nakaugat sa kulturang Pilipino, inilalarawan ang Ang Tunog ng Katahimikan ang agwat ng mga henerasyon pagdating sa pagpapahayag ng pag-ibig. Ang layunin ay hikayatin ang mga manonood na pagnilayan kung paanong ang pagpaparaya ay maaaring parehong magbuklod at maglayo ng pamilya, habang nagbibigay ng bagong pananaw sa pag ibig bilang pag unawa at empatiya.

Gamit ang kwalitatibong lapit, pinagsama sa pag-aaral ang focus group discussions at malalimang panayam upang suriin kung paano naaapektuhan ng pagpaparaya ang komunikasyon at emosyonal na pagpapahayag. Ipinapakita ng mga natuklasan na ang katahimikan ay itinuturing na paggalang o tibay sa loob ng mga pamilyang Pilipino, subalit ang katahimikang ito ay nagdudulot din ng pagtatago ng damdamin at kalungkutan sa pagitan ng mga henerasyon.

1080P. MP4 Format. Running time of 20 minutes, 30 seconds.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Keywords

Silence in motion pictures; Musical films; Families

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

12-5-2025

Share

COinS