Date of Publication
4-2020
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Rowell D. Madula
Defense Panel Chair
Raquel E. Sison-Buban
Defense Panel Member
Dolores R. Taylan
David Michael M. San Juan
Abstract/Summary
Ang baysanan ay katutubong tawag ng mga Batangueño sa kasalan na kinapapalooban ng mayamang tradisyon at mga prosesong sinusunod at kinikilala ng mga ikinakasal sa loob ng komunidad hanggang sa kasalukuyan. Layunin ng pag-aaral na ito na maipakita hindi lamang ang iba’t ibang yugto ng baysanan sa Batangas kundi pati na rin ang papel na ginagampanan nito sa larangan ng ekonomiks. Gamit ang diskurso ni David Throsby na nakaangkla naman sa teorya at ideya ni Pierre Bourdieu, inilahad sa papel na ito kung paano naging isang kultural na kapital ang kasalang Batangueño.
Nakita sa pag-aaral na ang baysanan sa Batangas ay kinapapalooban ng tatlong yugto: a. bago ang baysanan; b. araw ng baysanan; c. pagkatapos ng baysanan
Nakapaloob sa unang yugto ang pagpaplano at preparasyon sa baysanan gaya ng bulungan, paghahanda sa lahat ng mga gagamitin sa baysanan, martesan, paglalawo, pagdadahon, pagniniyog, pagbibigay ng dulot o sabit, lipatan, panunulungan, pahapunan at sabitan. Kabilang naman sa ikalawang yugto ang aktuwal na seremonya ng pagpapakasal, reception, at sabugan samantalang sa huling yugto naman nakapaloob ang tradisyonal na dapit ng mag-asawa.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Physical Description
xiii, 249 leaves
Keywords
Weddings--Philippines--Batangas; Weddings in popular culture
Upload Full Text
wf_yes
Recommended Citation
Cortez, G. M. (2020). Baysanan: Ang kasalang Batangueño bilang kultural na kapital. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/5906
Embargo Period
4-7-2022