"Ang binirayan festival at ang turismo ng Antique" by Edgar V. Ortinez

Ang binirayan festival at ang turismo ng Antique

Date of Publication

10-2019

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Cultural History

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Rowell D. Madula

Defense Panel Chair

Raquel Sison-Buban

Defense Panel Member

Lars Raymund G. Ubaldo
John Iremil E. Teodoro
Jimmuel C. Naval
Feorillo Petronillo A. Demeterio, III

Abstract/Summary

Ang lalawigan ng Antique ay isang bayan na matatagpuan sa pulo ng Panay at napabilang sa mga lalawigan sa kanlurang Bisayas. Ang lalawigan ay binubuo ng labinwalong mga bayan at labing apat sa mga ito, ay mga bayan sa kostal, isang islang bayan at tatlo sa mga bayan ay matatagpuan sa kaloob loobang bahagi ng Antique. Isa sa matandang lalawigan ng Pilipinas ang lalawigan na pinagkalooban ng mayamang natural at kultural na pamanang panturismo. Ang yamang ito ang naging simula upang bigyang halaga ang kalagayang panturismo ng lalawigan. Maliban sa kultural at natural na yaman ng lalawigan isa sa mga dahilan ng turismo ang selebrasyon ng Binirayan Festival ng lalawigan ng Antique. Ang pagdiriwang ay nakatuon sa historikal at kultural na aspekto ng pagdiriwang at binubuo ng ibat ibang mga programa. Ang bawat naratibo ng bawat programa ay nauugnay sa historikal at kultural na kalagayn ng Antique, kung saan sinimulan itong ipagdiriwang noong taong 1974 ng pinakabatang Gobernador Evelio B. Javier sa kanyang kapanahunan. Ang pagsimula ng pagdiriwang na ito ang naging ugat upang maging Mother of All Festival ang Binirayan Festival sa loob ng apat na dekada dahil ito ang naging inspirasyon ng lahat ng pagdiriwang sa buong lalawigan.
Sisilipin sa pag-aaral na ito ang kaugnayan ng Binirayan Festival sa natural at kultural na pamanang panturismo. Titingan kung may kaugnayan ang pag-unlad ng lalawigan hatid ng turismo na nagmumula sa kultural at natural na pamana at naging instrumento ang Binirayan Festival. Maging bahagi din sa pagtatalakay ang mga organisasyon at asosasyon na namamahala sa pagdiriwang ang malalimang pagtatalakay ay ginawa sa pag-aaral na ito upang malaman ang papel na ginagampanan nila sa pagdiriwang. Aalamin na rin ang mga nakikinabang sa Binirayan Festival at ang mga dapat baguhin sa pagdiriwang. Kasama na mabibigyan ng malalimang pag-aaral ang papel ng local na pamahalaan sa pagdiriwang at ang kanilang mga naging kontribusyon upang mapangalagaan ang aspektong kultural, natural, at historikal ng Antique.
Tatalakin na rin ang mga hakbang at programa upang mananatiling buhay ang kultural at historikal na pamana para sa mga mamamayang Antiqueño. Tatalakayin na rin ang ugat ng mga suliranin sa pagdiriwang ng Binirayan Festival at ang mga naangkop na solusyon upang maging maunlad ito hindi lamang sa aspekto ng pagdiriwang kung hindi sa muling pagpapayaman ng kultural at historikal na pamana para sa mga mamamayang Antiqueño.
Ang pinakamalalim na pagtatalakay sa Binirayan Festival at Lalawigan ng Antique sa konteksto ng turismo ay binigyan pansin sa pag-aaral na ito. Ang mga pangkalahatang suliranin at solusyon sa pagdiriwang ang naging basehan upang tingnan ang ibat ibang aspekto sa pagdiriwang ng Binirayan Festival. Binigyan na rin ng tutok ang mga mahalagang rekomendasyon para mapagyaman pa lalo ang historikal at kultural na kalagayan ng Antique. Kasama na sa rekomendasyon ng pag-aaral ang magbibigay ng direksiyon upang lalong maging maunlad ang turismo sa lalawigan ng Antique.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Accession Number

CDTG008223

Keywords

Festivals--Philippines--Antique; Tourism--Philippines--Antique Binirayan Festival (Antique, Philippines)

Upload Full Text

wf_no

Embargo Period

3-9-2025

This document is currently not available here.

Share

COinS