Date of Publication
12-2019
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Raquel E. Sison-Buban
Defense Panel Chair
Rhoderick V. Nuncio
Defense Panel Member
Aurora E. Batnag
Jimmuel C. Naval
Rowell D. Madula
David Michael M. San Juan
Abstract/Summary
Dinalumat ng pag-aaral na ito ang salitang pagtitipon bilang isang metodo ng pananaliksik na malay sa pabburulun- etnolinggwistik, sosyolinggwistik at leksikograpik upang makabuo ng isang Panimulang Diksyunaryong Yogad bilang kagamitang panturo sa pagtuturo ng Mother Tongue- Based Multilingual Education (MTB-MLE) at bilang preserbasyon din ng wikang Yogad. Ang modelong T4 - Tipon-Tala-Tumbas-Talab ay ginamit bilang leksikograpik na proseso kasabay ang pagsiyasat ng kalagayang etnolinggwistik at sosyolinggwistik ng wikang Yogad sa bayan ng Echague. Ginamit ang mga panitikang limbag, mga tradisyong oral at mga limbag na materyal na pinaghanguan ng mga salitang lahok na isinama sa binuong Panimulang Diksyunaryong Yogad. Nilikom at sinuri ang mga tinipong salitang lahok sa pamamagitan ng modelong T4 -Tipon-Tala-Tumbas-Talab sa tulong ng mga tinuntungang teorya ng modern theory of lexicographic functions at teorya ng tumbasang dinamiko at konsistensi. Ginamit din ang pagmamasid at pakikipanayam bilang mga instrumento ng pangangalap ng datos maliban sa paglikom ng mga limbag na materyal tulad ng mga diksyunaryo at nalathalang pag-aaral tungkol sa wika at kultura ng etnolinggwistikong Yogad. Batay sa resulta ng pag-aaral, lumabas ang 1,019 na salitang lahok mula sa mga iba’t ibang kategorya. Kabilang dito ang ilang mga salitang kultural na ginagamit sa mga ritwal, tradisyon at paniniwalang Yogad. Munting hakbang ito na isinagawa ng mananaliksik sa pagsalba sa nanganganib na kalagayan ng wikang Yogad sa kasalukuyan at pagtulong din sa kawalan ng mga kagamitang panturo sa pagtuturo ng Mother Tongue-Based Multilingual Education.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG007985
Keywords
Yogad language—Lexicography; Yogad language—Dictionaries
Recommended Citation
Palting, J. D. (2019). Pabburulun: Isang dalumat-leksikograpikal tungo sa pagbuo ng panimulang diksyunaryong Yogad bilang sangguniang materyal. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1462
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
1-24-2023