PagbaBAKLAs ng pag-ibig: Pagsusuri sa kapitalisasyon ng relasyong lalaki at bakla sa dalumat ng pantaong politikal-ekonomiya
Date of Publication
7-2019
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Gender and Sexuality
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Rowell D. Madula
Defense Panel Chair
Ernesto V. Carandang, II
Defense Panel Member
Raquel Sison-Buban
Feorillo Petronilo A. Demeterio, III
Roberto E. Javier, Jr.
Jimmuel C. Naval
Abstract/Summary
Ang relasyon ng bakla at lalaki ay isang realidad. Sa kabila ng mga manipestasyon ng pagiging bukas ng lipunang Pilipino sa nasabing relasyon sa kasalukuyan, masasabi na malaking bahagi pa rin ng lipunan ang hindi ito lubusang maintindihan at matanggap, bunsod ng malakas na impluwensiya ng heteronormatibo-binaryong pananaw at pamantayan.
Sinuri at tinalakay ng pag-aaral kung paano ang sosyo-ekonomiko-politikal-kultural na kalalagayan, ng mga piling kalahok na bakla at lalaki, ay nagsilbing salik sa dinamika ng kanilang relasyon. Gayundin, inilatag at hinimay ang mga iba’t ibang puwersa sa lipunan na nakakaapekto sa pamamahala ng bakla at lalaki ng kanilang relasyon.
Sa pagdalumat ng relasyon ng bakla at lalaki bilang pantaong politikalekonomiyang proseso, hinimay kung paano ang bakla at lalaki, na may taglay na mga angking kapital, ay nagsisilbi bilang mga prodyuser, distribyutor at konsyumer na lumilikha, nagbibigayan/nagpapalitan, tumatanggap, gumagamit ng komodipikadong kapital (produkto/ komoditi), na may taglay na use, exchange at symbolic value.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG008230
Keywords
Heterosexuals; Gay men
Recommended Citation
Pamittan, G. B. (2019). PagbaBAKLAs ng pag-ibig: Pagsusuri sa kapitalisasyon ng relasyong lalaki at bakla sa dalumat ng pantaong politikal-ekonomiya. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1514
Upload Full Text
wf_no
Embargo Period
3-10-2025