Date of Publication

8-2019

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Other Languages, Societies, and Cultures

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Rowell D. Madula

Defense Panel Chair

Raquel E. Sison-Buban

Defense Panel Member

Romulo B. Baquiran, Jr.
John Iremil E. Teodoro
Rhoderick V. Nuncio
Dexter B. Cayanes

Abstract/Summary

Nakatudla ang pag-aaral na ito sa probinsiyang kinalakihan at pinagkauutangan ng mananaliksik. Isang simpleng lugar na panggagalingan ng mga materyales na ginamit sa gawaing ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga akdang pamapanitikang mayroon ang Aklan. Mga tekstong nauugnay sa kabuuang pasalitang obra partikular ang pasulat na mga akdang nakahayag ang ideya, kaisipan, at damdaming mayroon ang mga Aklanon. Ang nakalap at nasinop na mga literaturang katutubong Aklanon ay sinuri o dinalumat batay sa kasaysayan o panahong kinabibilangan ng mga akdang panliteraturang Aklanon partikular sa mga akdang patulang naghahayag ukol sa mga nakagawiang kilos at imaheng Aklanon kalakip ang isyung naglulundagan sa loob ng mga binaeaybay na sinuri.

Layuning malaman at masuri ang kasaysayang pampanitikan kalakip ang mga katangiang taglay ng pangkalahatang literatura simula sa panahong di pa nasasakop ang lalawigan hanggang sa kasalukuyan. Isa-isang hinanap at sininop ang nakatagong mga akdang Aklanon at inihanay ang bawat akda alinsunod pamagat nito, may-akda, genre, petsa kung kailan nailimbag gayundin ang naglimbag. Nagsagawa rin ng panayam ang mananaliksik upang malaman ang iba pang mahalagang detalye ukol akda mula mismo sa sumulat o sa ilang kaanak sa lalong ikatatatag ng mga datos na kailangan sa pananaliksik. Pinagsama-sama ang mga obrang naisatitik sa panahong di pa nasasakop ang Pilipinas ng mga Espanyol. Gayundin, binigyang-halaga ang mga akdang naisatitik sa panahong pananakop ng Amerikano, Hapones hanggang sa panahong Republika at moderno. Hango sa nakalap na mga akdang pampanitikang Aklanon, inisa-isa ang mga binaeaybay (tula) na nasusulat sa wikang katutubong Akeanon. Inihanay ang mga mahahalagang kaisipan o konsepto mula sa mga tulang pinahalagahan ayon sa kategoriyang kinabibilangan upang makarating sa puntong mithiin ng pananaliksik gamit ang pamamaraang teoryang”Grounded” bilang lente sa pagbuo ng teorya o mga teorya.

Gamit ang metodong nabanggit, nasilip mula sa mga binaeaybay na Aklanon ang mga konseptong nauukol sa pangungulila ng mahal sa buhay, lugar na nasasakupan ng Aklan, ang ikinabubuhay ng mga Aklanon, pinanghahawakang pangarap at pag-asa, ang paniniwalang Aklanon, pagiging masikhay sa buhay, pagkalinga sa kalikasan, wikang gamitin sa lugar, kinamulatang gawain at tradisyon, at kagamitang naging bahagi ng buhay- Aklanon. Bukod sa nabanggit, nagsalita rin ang mga konseptong nauukol sa kahirapan; pang-aabuso, karahasan, at kriminalidad; di pantay-pantay na trato sa lipunan o kawalang katarungan; pinagbabawal o ilegal na gawain; pangakong napako; at pagsusugal, pandaraya, at maling akala. Natukoy mula sa mga konseptong nailahad o mga mahahalagang ideyang natuklasan sa loob ng mga obrang nakahanay sa talahanayan 7 na naghayag ng positibo at negatibong kinalabasan bunsod ng katutubong kaisipan at damdamin bilang pagkakilalan ng lahing Aklanon.

Batay sa nakalap at dinalumat na mga materyales, lumalabas na mayaman ang Aklan sa mga katutubong materyales ang lalawigan na naghihintay lamang sinupin at tuklasin ang mayamang kalinangan at hiyas mula sa kaban ng bayan. Mahalagang malapatan ng mapagpalang kamay ng lehitimong Aklanong mag-aaral na sinasabing hungkag sa pagkakilanlan ng sariling identidad ng bilang mamamayang Aklanon. Alinsunod sa mga natuklasang kayamanan, nariyan ang kasaysayan, heyograpiya, tradisyon, kaugalian, paniniwala, wikang katutubo, at iba pang lubhang naghihintay lamang na mapansin at pag- aralan.

Samakatuwid, ang literaturang Aklanon ay isang magandang halimbawa at buhay na patotoo upang ipaalam sa mga karatig pook o lalawigang ganito kami sa Aklan at sa tulong ng isang makabuluhang gawain tulad ng pananaliksik ay higit na mapahalagahan at mauunawaan ang mga baga-bagay na dapat pag-usapan sa loob ng paaralang nasasakupan, ang Pilipinas.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Physical Description

xiii, 380 leaves

Keywords

Literature--Philippines--Aklan

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

4-8-2022

Share

COinS