Ang baryo ng Lapolapo II: Mga pananaw tungkol sa pagtutulungan at pagkikilos-alimasag: Isang makabuluhang imersiyon

Date of Publication

1993

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pag-aaral ay sumiyasat sa pagtutulungan na kinabibilangan ng pitong konseptong may kaugnayan: bayanihan, damayan, pagkakaisa, pagkamalapit ng pamilya, pakikipagkapwa-tao, pakikisama at utang na loob. Kasabay nito, siniyasat ang pagkikilos-alimasag na kinabibilangan ng limang konseptong may kaugnayan: inggit, pagkakanya-kanya, pagsisipsip, siraan at tsismis/intriga. Bukod pa rito, pinag-aralan ang kaugnayan ng dalawang baryabol na nabanggit: ang pagtutulungan at pagkikilos-alimasag. Gumamit ng metodong naaangkop sa paksa na katutubong pamamaraan ng pananaliksik. Nag-imersiyon at inabot ang pakikiisa sa mga kalahok. Nakapaloob sa imersiyon ang tatlo pang pamamaraan: sarbey, pagmamasid, at pakikipagkuwentuhan. Ito ay tumagal sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan. Ang lahat ng ito ay naganap sa baryo Lapolapo II, San Jose, Batangas na kung saan 68 na bilang ng kabahayan ang naging sampol na nagmula sa tatlong pook: Dulong Ibaba, Ibaba, at Sentro. Ang mga datos ay sinuri sa pamamagitan ng content analysis. Lumitaw sa pag-aaral na nananatiling buhay ang pagtutulungan at may kaunting manipestasyon ng pagkikilos-alimasag. Nabatid ding ang dalawang baryabol ay nauugnay ng pamilya. Samakatuwid, ang pamilya ay may malaking bahagi sa dalawang baryabol kung saan nagaganap ang bawat isa para sa at dahil sa pamilya. Ang mga konklusyong nabanggit ay kumakatawan lamang sa kulturang Tagalog.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU06148

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

219 leaves ; Computer print-out.

Keywords

Philippines--Social life and customs; Personality and culture; Cooperativeness; Filipino personality; Perception

This document is currently not available here.

Share

COinS