Isang eksploratoryong pagaaral sa konsepto ng ilang

Date of Publication

2009

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

Subject Categories

Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Thesis Adviser

Ma. Angeles Lapena

Abstract/Summary

Ang tinalakay na pagaaral na ito ay ang konsepto ng ilang pagdating sa pakikitungo sa ibang tao at sa iba't ibang sitwasyon. Ang pagaaral na ito ay nagsagawa ng eksploratoryong paraan ng pananaliksik. Binigyang kahulugan ang konsepto ng ilang ayon sa pananaw at perspektibo ng mga Pilipino. Ang mga kalahok ay mga magaaral sa kolehiyo na may edad na labing anim hanggang dalawampu't limang taong gulang (16-25), taga-lunsod ng Maynila. Ang ginamit na paraan ng pagkalap ng datos ay ang pakikipagpanayam at ginabayang talakayan. Anim na kalahok ang sumailalim sa panayam, tatlong lalaki at tatlong babae. Samantalang labing-anim (16) naman ang kabuuan ng mga kalahok sa dalawang ginabayang talakayan. Dalawang sesyon na may tig-walong kalahok sa bawa't sesyon ang ginawa para sa ginabayang talakayan. Ayon sa resulta, ang ilang ay pakiramdam na hindi pagiging komportable, pakiramdam na wala kang control, pakiramdam ng isang tao, at proseso ng pagtatansiya sa isang tao. Makikita ang manipestasyon ng ilang sa kung paano kumilos ang tao. Kabilang dito ay ang gustong umalis, labis ng pagdududa, at nagiisip ng paraan upang mapabuti ang sarili. Ang nagiging resulta ng pagkailang ay gumagawa ng ibang bagay para mawala ang pagkailang, iniiwasan ang dahilan ng pagkailang, hindi pinapakita ang nararamdamang ilang, at nagrerelaks at nakikiramdam. Kasama na rin dito ang hiya, na nagiging aspeto ng ilang.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Print

Accession Number

TU15029

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

101 leaves ; 28 cm.

Keywords

Social conflict; Remoteness (Personality trait); Bashfulness

This document is currently not available here.

Share

COinS