Mga lalaking tumanggi sa seks: Isang pag-aaral ng mga dahilan at ang impluwensiya nito sa sariling sekswalidad

Date of Publication

1998

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

Subject Categories

Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Nais ng mga mananaliksik na maunawaan ang mga dahilan sa pagtanggi sa pakikipagtalik, pananaw sa seks, pananaw sa sekswalidad, damdamin sa pagtatalik at ang impluwensiya ng pagtanggi sa sariling sekswalidad. May disenyong eksploratoryo ang pag-aaral na ito. Ang pag-aaral na ito ay nagkaroon ng tatlumpong lalaking kalahok na nasa pagitan ng edad na 17-22. Ang mga kalahok ay nakuha sa pamamagitan ng snowball o non-probability chain referral sampling. Gumamit ng mga papel na may mga panuntunan at katanungang pang repleksiyon. Napag-alaman ng mga mananaliksik na isang dahilan sa pagtanggi ng lalaki sa seks ay ang relasyon nila sa babaeng tinanggihan. Ang pananaw na pagiging sagrado ng gawaing seks at ng pagkatatag ng pagkalalaki ay hindi nagbago matapos ang pagtanggi sa pagtatalik. May damdaming pagkatakot, pandidiri, pagkalito bago tumanggi at pagkatuwa at panghihinayang naman ang karaniwang naramdaman matapos ang pagtanggi. Ang paglakas ng self-control ang siyang naging pinakamalaking impluwensiya sa sekswalidad. Lumitaw na mas napagtibay ang pagpapahalaga sa seks at relasyon sa kapartner matapos ang pagtanggi.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Print

Accession Number

TU08606

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

88 leaves ; Computer print-out.

Keywords

Sex; Men; Masculinity (Psychology); Perceptual defense

This document is currently not available here.

Share

COinS