Isang pagtalakay sa Latin Isqweyr at ilang mga aplikasyon nito
Date of Publication
1998
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Science in Mathematics
College
College of Science
Department/Unit
Mathematics and Statistics
Abstract/Summary
Ang tisis na ito ay isang eksposisyon tungkol sa Latin isqweyr at ilang mga aplikasyon nito. Nakasulat sa pananaliksik na ito ang ilan sa mga teorem at katuringan ng mga terminolohiyang may kaugnayan sa Latin isqweyr na ortogonal. Ang Latin isqweyr na may order n ay isang talaang n x n na gumagamit ng mga numerong buumbilang mula 1 hanggang n bilang mga elemento nito, na kung saan ang bawat elemento ay makikita ng iisang beses lamang sa bawat hilera at kolum. Ang Latin isqweyr ay mahalaga hindi lamang sa Kombinatoriks, kungdi pati na rin sa Disenyo ng mga Eksperimento. Pinapakita rin ng tisis na ito ang ilang mga disenyo sa pananaliksik na tuwirang gumagamit ng Latin isqweyr. Ang tisis na ito ay isinulat sa wikang Filipino. Isa na naman itong pagpapatunay na ang Filipino, bilang medyum ng komunikasyon, ay angkop din sa mga teknikal na larangan tulad ng Matematika. Sa pamamagitan ng paggamit ng nasabing wikang, inaasahan ng mga mananaliksik na lalong maiintindihan ng mga mambabasa ang tisis na ito.
Abstract Format
html
Language
English
Format
Accession Number
TU08294
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
51 numb. leaves
Keywords
Magic squares; Combinatorial analysis; Binary system (Mathematics); Programming (Mathematics)
Recommended Citation
Canlas, C. S., & Ramos, R. C. (1998). Isang pagtalakay sa Latin Isqweyr at ilang mga aplikasyon nito. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/16434