Pananampalatayang Voyadores: Pagsusuri sa estruktura ng mga kuwentong debosyon sa Nuestra Senora de Penafrancia
Date of Publication
2017
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Communication
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Ramilito B. Correa
Defense Panel Chair
Ernesto V. Carandang, II
Defense Panel Member
David Michael San Juan
Raquel Buban-Sison
Julio C. Teehankee
Abstract/Summary
Bahagi na ng identidad ng Pilipino ang debosyon. Dahil sa malawakang impluwensya ng relihiyong Romano Katoliko, nangingibabaw ang maraming kultura at paniniwaang itinuturo ng simbahan. Higit sa kalahating porsyento ng populasyon sa Pilipinas, kinikilala ang kanilang mga sarili bilang Katoliko. Gayunpaman, maihahanay ang debosyon ng mga mananampalataya sa kulturang nakagisnan at paniniwalang umiigting mula sa mga ninuno noong unang panahon pa man. Sa pag-aaral na ito, sinuri ng mananaliksik ang dahilan sa kung bakit pumapasok sa debosyon para kay Nuestra Senoora de Penafrancia ang tinatawag na voyadores o syang mga deboto ni Inang Penafrancia. Inilarawan din rito ang kanilang paraan ng paggunita sa kapistahan ni Ina at kung bakit nila patuloy na ginagawa ang debosyong ito. Para sa mga suliraning inihain ng pag-aaral, sinubukang sagutin ng mananaliksik ang (1) paraan ng pagdiriwang ng kapistahan, (2) ang pagmamalas ng mga deboto sa kanilang debosyon tuwing kapistahan, at (3) patuloy ang debosyon kay Ina. Nakatulong naman ang teoryang Structuralism ni Levi-Stauss (1969) upang matuklasan ang ideya sa loob ng pagpasok ng voyadores sa kanilang debosyon. Ipinaliwanag at inilapat ang konsepto niyang 'binary oppositions' na makikita mula sa mga sagot ng mga deboto sa pakikiapanayam ng mananaliksik. Gayunpaman, nakitaan ng pagkakahati ang debosyon para kay Ina. Sa higit na pagpapatuloy ng pananaliksik, kekwestunin ang kahulugan ng 'pananampalataya'. Pananampalataya nga ba ang umiiral sa debosyon kay Ina? Higit na tatalakayin iyan sa pagdiskurso ng pananampalataya gamit ang kanilang mga kwento.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU19453
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
[1], x, 131 leaves ; illustrations (some color) ; 28 cm.
Keywords
Peña de Francia; Nuestra Señora de la; Mary; Blessed Virgin; Saint--Devotion to--Philippines; Catholic Church--Philippines; Fasts and feasts-- Philippines; Rites and ceremonies--Philippines
Recommended Citation
Sermon, M. (2017). Pananampalatayang Voyadores: Pagsusuri sa estruktura ng mga kuwentong debosyon sa Nuestra Senora de Penafrancia. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2868