Presentasyon at re-presentasyon ng balita: Isang pagsusuri sa paraan ng pagbabalita ukol sa A(H1N1) ng CBS evening news at 24 Oras
Date of Publication
2009
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Broadcast and Video Studies
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
John Enrico C. Torralba
Defense Panel Chair
Joel L. Orellana
Defense Panel Member
Maxwell Felicilda
Abstract/Summary
Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang presentasyon at re-pesentasyon ng Amerikano at Pilipinong pagbabalita sa telebisyon ukol sa Infuenza AH1H1. Tutugunan nito ang implikasyon ng sistemang pinatutunguhan ng pagbabalita sa telebisyon ng Pilipinas sa kasalukuyan gamit ang content analisis at intertextual hermeneutics, na i-aangkop sa usapin ng encoding at decoding ni Stuart Hall bilang batayang teoretikal ng pag-aaral na ito.
Gamit ang content analisis, sinala nitong maigi ang mga elementong maaaring humulma sa pagkakahulugan ng estetika at retorika ng telebisyon sa pag-aaral nito. ang intertextual hermeneutics naman ang nagpa-angat sa pagkakaiba at pagkakaparehas ng dalawang kultura sa pagbabalita sa telebisyon. Tinugunan naman ng konsepto ng encoding at decoding ni Hall ang pagkakahambing ng Pilipinong pagbabalita sa Amerikanong pagbabalita ng telebisyon.
Samakatuwid, ayon sa pag-aaral, malaking porsyento ng istruktura ng telebisyong pagbabalita ay halaw o hango sa istrukturang mayroon ang Amerika. Bagkus, napag-alaman na nagiging isang re-presentasyon na lamang ang mga balitang inihayag sa telebisyon ng Pilipinas. Sa proseso ng pagiging re-presentasyon ng pandaigdigang balita sa telebisyon, malaking bahagi parin ng balitang ihinahatid ng 24 Oras ay hango sa Amerikanong pagbabalita na iniaangkop sa katayuan ng bansa.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU21392
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
153, [4] leaves ; 28 cm.
Keywords
Television broadcasting of news--Philippines; Television broadcasting of news--United States; H1N1 influenza
Recommended Citation
Abaya, M. (2009). Presentasyon at re-presentasyon ng balita: Isang pagsusuri sa paraan ng pagbabalita ukol sa A(H1N1) ng CBS evening news at 24 Oras. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2698