Kasal na sana... pero teka muna mga babaeng hindi natuloy ang kasal

Date of Publication

1999

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makapagbigay ng detalyadong salaysay sa pananahilan, karanasan at pananaw ng mga babaeng hindi natuloy ang kasal. Pagsasalarawan ang disenyo na napili at pakikipanayam ang ginamit na metodo sa pagkalap ng datos. Bumuo ng gabay sa pakikipanayam upang makuha ang datos na kinakailangan. Ang pitong kalahok ay nahanap sa pamamagitan ng chair referral at purposive sampling . Inanalisa ang datos sa pamamagitan ng pagsusuri ng kaso. Ang kabuuang kinahinatnan ay ang pagtingin sa kinabukasan na maaaring maganap sa kanilang buhay kung itutuloy ang kasalan. Nakaranas ang mga kalahok ng Cognitive Dissonance na siyang naging dahilan ng pagpasya ng hindi pagtuloy ng kasal. Mayroong mga pagbabago sa kanila matapos ang karanasan tulad ng pagiging mas malaya, at mas naging maingat sa paggawa ng desisyon lalung lalu na sa pag-ibig. Sa kabilang dako, halos wang pagbabago sa kanilang persepsiyon tungo sa kasal matapos ang karanasang ito.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU09282

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

143 leaves ; Computer print-out.

This document is currently not available here.

Share

COinS