Ang mga Pananaw ng mga Piling Guro sa Baitang Pito ng Isang Pribadong Paaralan sa Functional Illiteracy

Document Types

Paper Presentation

Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)

21st Century Learning and Innovations (CLI)

School Name

Miriam College

Track or Strand

Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM)

Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)

Ocampo, Ma. Luisa

Start Date

25-6-2026 10:30 AM

End Date

25-6-2026 12:00 PM

Zoom Link/ Room Assignment

Online - https://zoom.us/j/91936856247?pwd=oCMfMsh44I2wb0dYsEgoInDJy59bOq.1 Meeting ID: 919 3685 6247 | Passcode: research

Abstract/Executive Summary

Malaking suliranin sa kasalukuyan ang functional illiteracy sa Pilipinas. Batay sa mga pag-uulat, pag-aaral, at datos na nilalabas ng mga ahensya, makikitang maraming mamamayang Pilipino, kabilang ang ilang mga mag-aaral, ang may mababang antas ng kasanayan sa pagbasa, pagsulat, at pag-unawa. Bunsod nito, naapektuhan ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at nahihirapan silang makipagsabayan sa larangang akademiko at propesyonal. Ang layunin ng kwalitatibong pag-aaral na ito na tuklasin ang mga pananaw at karanasan ng mga guro ng Miriam College High School na nagtuturo sa baitang pito hinggil sa functional illiteracy. Nais din ng pag-aaral na maunawaan at bigyang-linaw ang mga salik na nag-ambag sa paglaganap ng suliraning ito batay sa mga panayam ng mga respondente. Ang paraan na ginamit upang kumalap ng mga impormasyon ay sa pamamagitan ng panayam; lahat ay mga guro ng baitang pito. Gumamit ang pag-aaral ng purposive sampling upang matukoy ang mga guro na may direktang karanasan sa pagtuturo sa baitang pito. Limang (5) guro ang pinili bilang kalahok upang makuha ang malalim at makabuluhang impormasyon. Natuklasan sa mga panayam na ang functional illiteracy sa mga estudyante ay pangunahing dulot ng kakulangan sa pagbasa at pagsulat, mababang interes sa pag-aaral, at limitadong suporta sa bahay. Ipinakita ng mga resulta na bagama’t may mga umiiral na estratehiya ang mga guro upang matulungan ang mga estudyante, kinakailangan pa ng mas sistematikong suporta at programang pang-akademiko.

Keywords

functional illiteracy, qualitative study, literacy skills, student learning, academic support

Statement of Originality

yes

This document is currently not available here.

Share

COinS
 
Jun 25th, 10:30 AM Jun 25th, 12:00 PM

Ang mga Pananaw ng mga Piling Guro sa Baitang Pito ng Isang Pribadong Paaralan sa Functional Illiteracy

Malaking suliranin sa kasalukuyan ang functional illiteracy sa Pilipinas. Batay sa mga pag-uulat, pag-aaral, at datos na nilalabas ng mga ahensya, makikitang maraming mamamayang Pilipino, kabilang ang ilang mga mag-aaral, ang may mababang antas ng kasanayan sa pagbasa, pagsulat, at pag-unawa. Bunsod nito, naapektuhan ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at nahihirapan silang makipagsabayan sa larangang akademiko at propesyonal. Ang layunin ng kwalitatibong pag-aaral na ito na tuklasin ang mga pananaw at karanasan ng mga guro ng Miriam College High School na nagtuturo sa baitang pito hinggil sa functional illiteracy. Nais din ng pag-aaral na maunawaan at bigyang-linaw ang mga salik na nag-ambag sa paglaganap ng suliraning ito batay sa mga panayam ng mga respondente. Ang paraan na ginamit upang kumalap ng mga impormasyon ay sa pamamagitan ng panayam; lahat ay mga guro ng baitang pito. Gumamit ang pag-aaral ng purposive sampling upang matukoy ang mga guro na may direktang karanasan sa pagtuturo sa baitang pito. Limang (5) guro ang pinili bilang kalahok upang makuha ang malalim at makabuluhang impormasyon. Natuklasan sa mga panayam na ang functional illiteracy sa mga estudyante ay pangunahing dulot ng kakulangan sa pagbasa at pagsulat, mababang interes sa pag-aaral, at limitadong suporta sa bahay. Ipinakita ng mga resulta na bagama’t may mga umiiral na estratehiya ang mga guro upang matulungan ang mga estudyante, kinakailangan pa ng mas sistematikong suporta at programang pang-akademiko.

https://animorepository.dlsu.edu.ph/conf_shsrescon/2026/BoA_CLI/1