Document Type
Event
School Name
Poblacion National High School, Division of Muntinlupa
School Code
N/A
Abstract / Executive Summary
Ang pananaliksik na ito ay sumusuporta sa Sustainable Development Goal para sa Quality Education ng United Nations. Isinagawa ito upang matulungan ang mga mag-aaral na may suliranin sa pagbabasa. Ito ay pagtitiyak na pantay na kalidad ng edukasyon ang naibibigay sa lahat ng mag-aaral. Kabilang sa pananaliksik na ito ang labing-apat na mag-aaral mula sa Ikawalong baitang na may mga gulang na 13 hangang 14 taon. Sila ang mga mag-aaral na nahihirapan sa pagbabasa at mabagal sa pagbabasa. Ang memorandum ng kagawaran at batas tulad ng DM No. 173 s.2019 Hamon: Bawat Bata Bumabasa (3Bs Initiative), ECARP o Every Child A Reader Program at Republic Act No. 10556, November 27 bilang Araw ng Pagbasa na naglalayong kilalanin at suportahan ang mga gawain sa pagbabasa. Ginamit sa pananaliksik na ito ang kwalitatibong dulog at eksperimentong pretest-posttest. Kabilang ang panayam, questionnaire, pagmamasid, home visit, pagbabasa sa bahay at pagbabasa sa silid-aralan. Kalahati ng bilang ng mga mag-aaral ang nakaabot sa 150-204 wordperminute (normal) kung ikukumpara sa simula. Pitong (7) mag-aaral ang may maling basa mula sa 10-30 salita sa dating labintatlong (13). Sampung mag-aaral (10) o 71.44% ang may iskor na 6-10 mula sa dating isa (1) o 7.14%. Ang pagsasanay sa pagbabasa ay nakatutulong sa literasi sa pagbabasa ng mga mag-aaral. Ang kawalan ng makakasama sa pagbabasa, kawalan ng oras o panahon sa pagbabasa at ang kawalan ng sapat na gamit sa pagbabasa ay mga salik na nakakaapekto sa suliranin sa pagbabasa ng mga mag-aaral.
Keywords:
pagbabasa; mabagal magbasa; nahihirapan sa pagbabasa; pag-unlad; wordperminute
Sanayin sa Pagbasa: Panlunas sa Suliranin sa Pagbabasa sa Filipino ng mga Mag-aaral sa Ikawalong Baitang ng Poblacion National High School Taong Panuruan 2022-2023