Added Title
DLSU-AKI Working Paper Series 2015-31
College
School of Economics
Department/Unit
Economics
Document Type
Working Paper
Publication Date
2015
Abstract
Maraming akademiko ang naniniwala na ang mga pagbabago sa pagpasok ng ika-21 siglo ay nakatuon sa mga isyung natutungkol sa rehiyon ng Asya-Pasipiko. Ang mga tantiyang ito ay nakabatay sa mga makabuluhang pag-unlad ekonomiko at pagbabagong pulitikal na naranasan ng rehiyon sa mga nakaraang dekada. Sa hinaharap, tinataya na ang istruktura ng lipunan, ekonomiya at demograpiya ng rehiyon ay huhubugin ng ilang mahahalagang salik, kasama na ang pag-angat ng dalawang pinakamataong bansa sa mundo, ang Tsina at India, ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga inobasyong teknolohikal na nagaganap sa mga papasulong na ekonomiya hindi lamang sa Japan at Korea at ang pagpapalawak ng bilihan sa rehiyon bunga ng sumisiglang ekonomiya ng maraming bansa sa ASEAN. Sa kasalukuyan, ang rehiyon, kasama ang pinagsama-samang ekonomiya ng Pasipiko na kinakatawanan ng APEC, ay bumubuo sa tinatayang kalahati ng kabuuang GDP ng mundo at pandaigdigang kalakalan.
html
Recommended Citation
Tullao, T. S. (2015). Pangangapital Sa Yamang-Tao: Susi Sa Pagsulong Ng Rehiyong Asya-Pacifico. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/res_aki/66
Disciplines
Growth and Development
Keywords
APAC; Economic Growth; Human Capital
Upload File
wf_yes