Added Title
DLSU-AKI Working Paper Series 2015-30
College
School of Economics
Department/Unit
Economics
Document Type
Working Paper
Publication Date
2015
Abstract
Sa harap ng maraming teorya at pananaw sa pagpapaliwanag tungkol sa pagkakaroon ng di-pagtutugma ng kasanayan, sa isang banda, at sa pangangailangan ng mga kompanya, sa kabilang banda, sa bilihan ng paggawa, ang di-timbang na impormasyon ang nangingibabaw na paliwanag. Subalit sa lawak ng impormasyong kinakailangan, at sa magastos na paglikom ng impormasyon, ang mekanismo ng pagsesenyas sa bilihan ng paggawa na isinasagawa ng pamahalaan ay maaaring magkulang sa pagsasara ng agwat sa impormasyon. Ang kakulangang ito ay nagiging lantad kapag lumalabas na ang ganap na impormasyon ay nangyayari lamang sa aktuwal na kapaligiran ng trabaho. Sa aktuwal na trabaho, nalalaman ng manggagawa ang mga hamon sa trabaho samantala ang mga kompanya ay nalalaman ang mga kasanayan at gawi ng manggagawa sa trabaho. Ang sanaysay ay susuri sa papel ng iba’t ibang aktor sa bilihan ng paggawa kung papaano sila tumutugon sa pagsagot sa di-timbang na impormasyon sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa mga mekanismo ng pagsesenyas sa bilihan ng paggawa na isinagawa ng mga pamahalaang kasapi sa APEC. Mula sa panig ng suplay, titingnan kung papaano ang mga institusyong pangsanayan ay nagbabago upang isara ang agwat sa impormasyon. Mula sa panig ng demand, ipaliliwanag kung bakit ang mga kompanya ay malamig sa pagsasara ng agwat sa impormasyon sa bilhan ng paggawa. Ang gastos sa pagsasanay at muling pagsasanay ay napakalaki para sa mga kompanya. Maliban sa gastos sa pagtugon, ang motibasyon o dahilan sa pagtatrabaho na hindi lumalabas sa pagsesenyas ay maaaring magpaliwanag sa pagpapatuloy ng di-pagtutugma.
html
Recommended Citation
Tullao, T. S. (2015). Sapat na ba ang Pagsesenyas Upang Tugunan ang Di-Pagtutugma sa Bilihan ng Paggawa. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/res_aki/65
Disciplines
Growth and Development | Income Distribution | Labor Economics
Keywords
Human Capital; Labor; Supply and Demand; APEC
Upload File
wf_yes