College
School of Economics
Department/Unit
Economics
Document Type
Working Paper
Publication Date
7-2019
Abstract
Ang pagpapahalaga sa yamang-kaalaman ay nakaugat sa pagpasok ng ekonomiya ng kaalaman na ipinakikita sa mga pwersa ng Industriya 4.0 o Ikaapat na Rebolusyong Industriyal. Pananaliksik at inobasyon ang lumilikha ng yamang-kaalaman. Dahil ang pananaliksik ay maituturing na isang pampublikong produkto, may papel ba ang mga pribadong pamantasan sa paglikha ng yamang-kaalaman? Tinatasa sa sanaysay ang ambag ng mga pribadong pamantasan sa Pilipinas sa paglikha ng yamang-kaalaman sa pamamagitan ng kanilang publikasyon sa mga Scopus journal relatibo sa publikasyon ng mga pampublikong pamantasan. Lumalabas na napakalawak ng ambag ng mga pribadong pamantasan kahit na walang tinatanggap na tulong mula sa pamahalaan. Samantala, napakaraming mga pampublikong pamantasan na walang publikasyon sa maraming taon sa mga Scopus journal kahit na tumatanggap ng malaking pondo sa pamahalaan. Sa harap ng makabuluhang kontribusyon ng mga pribadong pamantasan sa paglikha ng yamang-kaalaman na nakapagpasusulong sa bansa tungo sa Industriya 4.0, angkop lamang na mabigyan ang mga ito ng sapat na tulong ng pamahalaan sa pagbuo ng isang napakahalagang pampublikong produkto
html
Recommended Citation
Tullao, T. S. (2019). Kontribusyon ng mga Pribadong Pamantasan sa Pilipinas sa Paglikha ng Yamang-Kaalaman. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/res_aki/32
Disciplines
Business Law, Public Responsibility, and Ethics | Education Policy | Higher Education | Social Work
Keywords
Private University; Contribution; Knowledge Sharing; Knowledge Resource
Upload File
wf_yes
Included in
Business Law, Public Responsibility, and Ethics Commons, Education Policy Commons, Higher Education Commons, Social Work Commons