Parang pag-ibig, ibinibigay nang walang kapalit! Utang na loob – ugnayan, unawa, at ugali

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Document Type

Archival Material/Manuscript

Publication Date

2015

Abstract

Sa 2015 sarbey na isinagawa sa may 218 estudyanteng nasa unibersidad at mga nasa antas panggradwado, sininop ang ugnayan, unawa, at ugali na meron sa utang na loob. Malaon nang nasa unawa ng Pilipino ang utang na loob, katibayan dito ang tala ng misyonerong Pransiskano na si Padre Pedro de San Buena Ventura sa Vocabulario de Lengua Tagala noong 1613. Sa paglipas ng 400 taon, natuklasang nasa unawa pa ito ng mga estudyanteng nasa sampol na kung saan ang 8 sa bawat 10 sa kanila ay nasa pagitan pa ng edad na 16 hanggang 29. Sulat-kamay ang sagot nila sa tanong tungkol sa sariling karanasan sa pinagkakautangan nila ng loob. Malinaw na may ugnayang namamagitan sa may utang na loob at nagkusang magpautang nito. Ang unawa sa utang na loob ay iyong bunga ng kabutihan at kusang-loob na nadaranas sa aruga, kalinga, at malasakit. Sa ugali pa rin namamalas ang utang na loob sa pagbibigay- respeto, pagpapasalamat, at pagtulong. Di tulad ng original sin na minamanang kahinaan kaya maaaring magkasala, ang utang na loob ay kalakasang ipinapasa sa paggawa ng mabuti sa darating pang panahon. Sakaling mawaglit sa malay, ang budhi ang uukilkil upang masumpungan ito para sa pagbabalik-loob sa mga ina’t amang nagbigay-buhay o sa sinumang tumayong magulang lalo na sa panahon ng pangangailangan. Ang utang na loob ay pakiramdam ng pagmamahal. Parang pag-ibig, ang halagahing ito ay ibinibigay ng kusa ng walang hinihintay na kapalit.

html

Disciplines

Psychology

Keywords

Reciprocity (Psychology); Gratitude; Interpersonal relations

Upload File

wf_no

This document is currently not available here.

Share

COinS