Anak, mag-anak at magkakamag-anak: Mula sa pagmamalay hanggang sa pagwawalay
Added Title
The Filipino concept of child, family and kinship relationship: From self-awareness to separation
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Document Type
Conference Proceeding
Source Title
National Conference in Catechesis and Religious Education
Publication Date
4-25-2015
Abstract
Sa sikolingwistika sinuri ang salitang anak/c sampu ng mga kakabit nitong katagang mag-anak at magkakamag-anak/an. Sinusugan pa itong pag-aaral ng etimolohiya na anak/c, ng ilang empiriking ebidensiya na kinalap naman gamit ang metodong pagtatanong-tanong sa Sikolohiyang Pilipino. Nailarawan sa pag-aaral na ito ang anak/c ang siyang nagbubuklod sa isang lipon na sinimulan ng mag-asawa. Sa pagsilang nga ng anak nagkakaroon ng isang mag-anak kung saan umuusbong ang mga ugnayang magkamag-anak, magkakamag-anak/an. Naipagpapatuloy sa pagmamagulang ang pagmamag-anak sa pag-uulit ng mga ritwal na nagpapatibay ng relasyon ng bawat isang iniugnay nito sa mga behebyur na higit na may pagkiling sa buting dulot sa anak o sa bata tulad ng aruga, alaga, kalinga, pati binyag. Naka-ugat pa sa utang ng loob ang ugnayan at unawa ng anak sa magulang, ng kanyang mga magulang sa mga ninuno nila at sa buong sangkamag-anakan. Umuusbong sa parati kahit pa sa mabilis na modernisasyon ang pagbuo ng mag-anak na ang sentro nga nito ay anak o bata.
html
Recommended Citation
Javier, R. E. (2015). Anak, mag-anak at magkakamag-anak: Mula sa pagmamalay hanggang sa pagwawalay. National Conference in Catechesis and Religious Education Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/12775
Disciplines
Family, Life Course, and Society
Keywords
Psycholinguistics; Filipino language—Psychological aspects; Filipino language—Suffixes and prefixes; Families—Philippines—Psychology; Extended families—Philippines—Psychology; Separation (Psychology)—Philippines
Upload File
wf_no