Wika mo, wikang Filipino. Wika ng mundo. mahalaga!
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Document Type
Archival Material/Manuscript
Abstract
Binibigyang halaga ang wika, sa artikulong ito, bilang isa sa pinakadakilang handog ng Diyos sa tao. Ang wika ang pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan. Ito ang simbolong bumubuo ng sistema upang maayos na maisakatuparan ng tao ang paghahatid ng anumang mensahe. Ito rin ang susi ng tao upang magkaunawaan.
Pinagtibay sa artikulong ito ang hirap na dinanas ng wikang Filipino bilang wikang pambansa. Mula sa dating anyo nitong Tagalog noong 1936 na naging Pilipino noong 1959 at sa bago nitong anyo na Filipino. Inilahad din rito ang kinalalagyan ng wikang Filipino sa larangan ng globalisasyon. Ang papaunlad na wika ng mga Filipino na nangangailangan ng pagtingin ng pamahalaan at sa larangang akademiko. Wika mo, Wikang Filipino, ito ang identidad nating mga Filipino.
html
Recommended Citation
Mangahis, J. C. (2024). Wika mo, wikang Filipino. Wika ng mundo. mahalaga!. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/12287
Disciplines
East Asian Languages and Societies
Upload File
wf_no