Patungo sa dayalektikong pagsusuri ng mga piling akdang pampanitikan ng iba't ibang rehiyon sa Pilipinas

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Document Type

Dissertation

Publication Date

2008

Abstract

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ipakita ang malaing kaugnayan ng pilosopiya at ng teoryang pampanitikan sa patalakay ng mg akdang panliteratura. Nais ring tuklasin ang mga pilosopiyang matatagpuan sa mga akdang pampanitikan ng bawat rehiyon sa Pilipinas, gayundin, suriin ang mga akda sa tulong ng mga iba't ibang teoryang pampanitikan.
Sa ginawang pagsusuri ay nasagot ang mga sumusunod na katanungan:
1. Anu-anong mga kaisipang pilosopikal ang nakilala sa bawat yugto ng kasaysayan at ang kaugnayan nito sa pagsilang ng mga teoryang panliteratura?
2. Paano nagkakatulad/nagkakaiba ang mga pilosopiya sa bawat yugto ng kasaysayan?
3. Ano ang kaisipang pilosopikal ang matatagpuan sa mga piling akda sa bawat rehiyon na nasasalig sa apat na pilosopiya:
3.1 Idealismo
3.2 Realismo
3.3 Pragmatismo
3.4 Eksistensyalismo
3.5 Post-Modernismo
4. Anong kaisipan at katotohanan ang nangingibabaw sa bawat akda gamit ang mga sumusunod na teoryang pampanitikan:
4.1 Moralistiko
4.2 Realismo
4.3 Eksistensyalismo
4.4 Humanismo
4.5 Feminismo
4.6 Pagbasa
4.7 Pag-aaral -Kultural
4.8 Historikal
4.9 Sikolohikal
4.10 Arketipal/Mito
5. Paano nagkakaugnay ang pilosopiya at mga teoryang pampanitikan sa mga piling akda ng bawat rehiyon?
6. Paano naiparating ng manunulat ang impluwensya ng pilosopiya sa mga sumusunod na koneksyon:
a. sarili
b. kapwa o ibang tao
c. mundo
7. Paano maipakikita ang implikasyon ng mga teoryang pampanitikan sa pagtuturo ng Filipino batay sa:
a. kahusayang pampag-iisip
b. kritikal na pag-iisip
c. pagpapahalagang pampanitikan
Dayalektikal ang pangunahing pamamaraang ginamit sa pagsusuri. Sa paraang ito ay binakas ang kasaysayang naglalarawan sa pagsilang ng pilosopiya at sa pagsilang ng mga teoryang pampanitikan. Ginamit ang pamamaraang dayalektikal upang palabasin at ipaliwanag ang mga pilosopiyang namamayani sa pamamagitan ng pagsusuring krikital sa mga akda.
Ang pagsusuring pilosopikal at teoretikal ang pinakamasaklaw na pamamaraang ginamit sa pag-aaral. Pumili lamang ng isang akda sa bawat rehiyon upang higit na maplalim ang gagawing pagsusuri. Sa pagsusuring dokumentaryo at historikal, ang mananaliksik ay gumamit ng mga pampanitikang dokumento, mga nalathalang aklat at nagsagawa ng interbyu sa iba't ibang gurong nagtuturo ng panitikan.
Napatunayan sa pag-aaral na sa pagsilang ng bawat pilosopiya ay isinilang din ang mga teoryang kritikal at sa tulong ng pagtanaw sa kasaysayan ay nakita ang malaking kaugnayan ng pilosopiya sa literatura.
Batay sa mga natuklasan sa pag-aaral ay nabuo ang mga sumusunod na kongklusyon:
Sa pagsusuring kritikal, ang limang pilosopiya ay laging natatagpuan sa bawat akda, ibig sabihin ang mga pilosopiyang banyagang ginamit sa pag-aaral na ito ay nakapaloob na sa kulturang Pilipinong inilalarawan naman sa mga akdang pampanitikan ng iba't ibang rehiyonsa Pilipinas.
Sa pagsusuring gamit ang sampung teoryang pampanitikan, lumabas na laging nangingibabaw at dominante ang mga teoryang realismo, moralismo, eksistensyalismo, humanismo, pagbasa, pag-aaral-kultural at sikokohikal sapagkat ang mga teoryang it tumatalakay sa kalikasan ng tao.
Sa kabuuan, ang isang akdang pampanitikan ay maaaring paghanguan ng mga pilosopikal na kaisipan at maaaring suriin gamit ang mga teoryang kritikal.
Bunga ng mga mahalagang kaisipang natuklasan sa pananaliksik, iminumungkahing isama sa pagtuturo ng panitikan ang pagsusuring pilosopikal sapagkat malaki ang maitutulong nito upang mabuksan ang isipan at maunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang sarili at ang mundong kanilang kinabibilangan.

html

Disciplines

Other Languages, Societies, and Cultures

Note

No fulltext; Abstract only

Keywords

Philippine literature—History and criticism; Regionalism in literature; Dialectical materialism in literature

Upload File

wf_no

This document is currently not available here.

Share

COinS