Ang mga babae sa indie film: Ang ekstra at ang santa santita

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Document Type

Archival Material/Manuscript

Publication Date

2008

Abstract

Ang mga babae ay itinuturing na kabilang sa mga grupong marhinalisado sa lipunang Pilipino kaya madalas ilarawan at gamitin ang kanyang abang kalagayan sa mga akdang panliteratura lalo na sa mga indie film. Siya ay madalas ilarawan bilang mahina at bilang sex object ng mga lalaki kaya higit siyang nagiging alipin ng makamundong pagnanasa ng mga ito. Makikita sa mga indie film ang tunay na katayuan at kalagayan ng mga babae at kung paano siya nakikipaglaban sa malaking puwersa ng lipunang patriarkal.
Malaki ang tuwiran at di tuwirang impluwensya ng mga indie film sa pabubuo at pagbabago ng imahe ng babae. Sa tulong nito, nagkakaroon ang babae ng malalim na pagkilala at pagtanggap sa knailang katauhan at kakayahan bilang babae. Inilantad sa papel na ito ang bagong imahe ng babaeng nililikha ng indie film sa kasalukuyang panahon. Siya nga ba nakalaya na sa iseriotipong larawan o patuloy pa ring nasasadlak sa negatibong imahe nito.
Sa paper na ito ay inilarawan at sinuri ang imaheng taglay ng mga pangunahing tauhang babae dalawang indie film at tinukoy ang mga salik na naging dahilan ng pagbubuo ng kanilang identidad. Tinalakay kung paano nilabanan ng babae ang mga puwersang naglalagay sa kanya sa mababang kalagayan at paano niya iniaangat ang sarili sa isang pedestal. Sa tulong ng palarawang pananaliksik ay ipinakita ang imahe ng babae bilang "tagapagdala ng kahulugan" at hindi ang "lumikha ng kahulugan."

html

Disciplines

Film and Media Studies | Women's Studies

Keywords

Women in motion pictures; Independent films; Motion pictures—Philippines

Upload File

wf_no

This document is currently not available here.

Share

COinS