Mga awiting Pilipinong pangkalikasan: Pumukaw ng kamalayan sa mga isyu/suliraning pangkalikasan
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Document Type
Conference Proceeding
Source Title
DLSU Arts Congress
Publication Date
2014
Abstract
Ang mabilis na pagkasira ng kalikasan ay isang malaki at mabigat na suliranin hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Ang mabilis at malawakang pagkasira nito ay malaking banta sa kaligtasan at buhay ng mga tao gayon din ng maraming buhay sa daigdig. Ang ganitong kalagayan ay nangangailangan din nang mabilis na pagkilos upang mailigtas ang nanganganib na kapaligiran at kalikasan. Dahil dito, kinakailangan ang puspusang pangangampanya upang iligtas ito sa unti-unti nitong pagkasira at ito ay magsisimula sa pagpukaw ng kamalayan ng lahat ng tao upang mahikayat silang tumulong sa pagliligtas dito.
Ang musika bilang isang sining ay mabisang behikulo ng paghahatid ng mensahe at mga impormasyon; may kapangyarihang magpaantig ng damdamin, may kakayahang pukawin ang kamalayan ng tao at may lakas upang magpakilos sa isang sambayanan tungo sa isang mabuting layunin. Ang awitin bilang bahagi ng musika ay epektibong paraan upang pukawin ang kaisipan ng mga taong pangalagaan ang kapaligiran at kalikasan at magsagawa ng tamang pagkilos tungo sa pagliligtas dito.
Tinalakay sa papel na ito ang kakayahan ng awiting pangkalikasan sa paglikha ng kamalayan sa mga isyu at suliraning pangkalikasan. Tiningnan rin sa pag-aara kung epektibong behikulo ang mga awitin sa pagpaparating ng mensahe tungkol sa wastong pangangalaga sa kalikasan. Layunin nitong (1) tuklasin ang antas ng kamalayan ng mga mag-aaral sa unang taon sa Pamantasang De La Salle sa mga isyu/problemang pangkalikasan at sa mga awiting pangkalikasan; (2) alamin kung nakatutulong ang mga awiting ito sa pagpapataas ng antas ng kamalayan sa mga isyu/suliraning pangkalikasan; (3) tukuyin ang mga awiting Pilipinong pangkalikasan na naglalaman ng mga isyu/suliraning pangkalikasan at ng wastong pangangalaga dito; at (4) ilahad kung paano nagagamit ang mga awitin sa pagpukaw ng kamalayan.
Napatunayan sa pananaliksik na bagamat malay ang mga mag-aaral sa mga isyu/suliraning pangkalikasan ay kailangan pa ring patuloy na imulat at hubugin ang kanilang kamalayan upang makagawa ng pagkilos na maktutulong sa pagliligtas sa nasisirang kalikasan. Samantalang ang muskika bilang isang sining ay epektibong gamitin sa pagpapaalam sa mga tao ng seryosong kalagayan at putuloy na pagkasira ng kalikasan. Ang mensaheng taglay ng mga awitin ay nakatutulong upang pag-alabin at hikayatin ang mga taong kumilos upang gumawa ng paraan kung paano maililigtas ang kalikasan.
html
Recommended Citation
Aranda, M. R. (2014). Mga awiting Pilipinong pangkalikasan: Pumukaw ng kamalayan sa mga isyu/suliraning pangkalikasan. DLSU Arts Congress Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/11926
Disciplines
Environmental Studies | Music
Keywords
Environmentalism--Philippines; Folk songs--Philippines; Environmental education--Philippines; Environmental protection—Songs and music
Upload File
wf_no