Date of Publication
11-2-2024
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master of Arts in Language and Literature Major in Literature
Subject Categories
Other English Language and Literature
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Literature, Department of
Thesis Advisor
David Jonathan Y. Bayot
Defense Panel Chair
Genevieve L. Asenjo
Defense Panel Member
John Iremil E. Teodoro
Chuckberry J. Pascual
Abstract/Summary
Isa si Efren R. Abueg sa mga pinakarespetadong manunulat sa Pilipinas. Bagama’t higit na nakilala ang kaniyang pangalan nang mailimbag ang Mga Agos sa Disyerto (1964), mas maraming naisulat si Abueg na wala sa antolohiyang ito. Kaya naman nakatuon ang proyekto sa muling pagpapakilala kay Abueg. Binibigyang-diin ang salitang “muli” sapagkat nais na maipakilala rito si Abueg hindi lamang bilang isa sa mga miyembro ng Agos kung hindi bilang isang manunulat na hiwalay sa mas tanyang niyang mga ambag sa panitikan. Tinatalunton ng pampanitikang talambuhay (literary biography) ni Abueg ang naging simulain niya sa pagsulat mula dekada 50 hanggang sa mga pagbabagong naidulot sa kaniyang pagkatha ng partikular na yugto sa kasaysayan gaya ng panahon ng Batas Militar. Kabilang din dito ang sariling pagsusuri sa kaniyang mga akda, maging ang pagbasa o kritisismo ng ibang mga manunulat tungkol sa mga piling akda. Hinati ang pagtalakay sa kaniyang buhay at mga katha na ibinatay sa mga pangunahing antolohiya ng maiikling kuwentong niya—ang Bugso: Maiikling Katha 1954-1964 (1993), Mga Agos sa Disyerto (1964, 1974, 1993, 2010), Sigwa (1972, 2007) at Plakard (2019). Mula sa pakikipagpanayam mismo kay Abueg, at sa pangangalap ng mga materyal patungkol sa kaniya at kaniyang mga isinulat, pinagtagpi-tagpi ang mga natipon upang makabuo ng isang salaysay-buhay na higit na nagtatampok hindi lamang kay Abueg bilang isang prolipiko at mahalagang manunulat sa kasaysayang pampanitikan ng Pilipinas, kundi pati na ang kasaysayan ng lipunang humubog sa kaniyang panulat. Sa pamamagitan ng proyekto, mas mailalapit sa mga mambabasa ang buhay at mga akda ni Abueg bago at pagkatapos ng Agos. Kaugnay nito, maaari itong makahikayat sa mga nasa larangan ng akademya upang maisalang pa sa iba’t ibang pag-aaral ang mga akda ni Abueg.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Keywords
Efren R. Abueg--Biography; Philippine literature; Authors, Filipino--Biography
Recommended Citation
Morales, D. R. (2024). Bugso, agos, at sigwa: Pampanitikang talambuhay ni Efren R. Abueg. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_lit/21
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
12-4-2026