Date of Publication
2022
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master of Fine Arts in Creative Writing
Subject Categories
Fiction
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Literature, Department of
Thesis Advisor
Mark Adrian C. Ho
Defense Panel Chair
John Iremil E. Teodoro
Defense Panel Member
David R. Corpuz
Eros S. Atalia
Abstract/Summary
Ang proyekto ay binubuo ng walong sandaling dulang pampelikula na tumatalakay sa mga isyung pandemya sa taong 2020 hanggang 2022. Mga kwentong sumasalamin sa mga ilang mahalagang isyu sa lipunan ng Pilipinas, mga karanasan maaaring pareho sa bawat mamamayang Pilipino. Ang mga sandaling pelikula sa proyekto ay kathang isip, may halong alamat, mahika, mga engkanto, mga sabi-sabi na tinimpla gamit ang iba’t ibang genre: komedya, drama, katatakutan o pawang kwento ng buhay. Ang mga temang tinalakay ng proyekto ay mga kwentong pandemya: bodegang bayan (community pantry), mga krimen laban sa sangkatauhan vs. Duterte, suicide cases na naitala sa mga nasabing taon, mga kathang isip at eksaherasyon ng maaaring lagay ng bayan sa malayong hinaharap, gawa-gawang alamat na pinagmulan ng mga trolls, pangangampanya ng mga kumakandidatong presidente sa halalan 2022 at pagtaas ng gasolina o bilihin nang manalo sa pagkapresidente si Bong Bong Marcos.
Layunin ng proyekto magbahagi sa mga kabataang Pilipino ngayon at sa mga susunod na henerasyon ng mga pangyayaring hindi dapat limutin, mga sandaling pelikula na magsisilbing paalala sa mga mahahalagang naganap sa taong 2020-2022; maaari ko itong simulan sa pamamagitan ng pagpapanuod sa mga studyante o mag-aaral kapag ako ay bumalik na sa pagtuturo.
Pinili ng proyekto ang mabibilis na sandaling pelikula para na rin sabayan ang mga kontent at midyum na malimit umubos ng atensiyon ng mga kabataang Pilipino. Sa ganitong paraan din nais makatulong ng proyekto sa pagtaas ng kalidad ng pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng paglapit sa mga kabataang mag-aaral na maaaring mas makaintindi ng lalim ng mga sandaling pelikula sa proyektong ito. Bukod dito, naging patunay na matagumpay ang platform na social media sa mabilis at epektibong pagkalat ng fake news o disimpormasyon kaya ito ay isa sa magiging platform kung saan ipapakalat ang proyekto.
Nais ko ding makibahagi sa selebrasyon ng malayang paggawa sa sining biswal kaya isasabak ito sa mga festival at kung palaring makakuha ng grant ay mai-prodyus at pangunahing maimbitahan ang ilan sa mga kapwa babae at LGBTQ filmmaker na makibahagi sa pagbuo ng bawat sandaling pelikula sa proyektong ito.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Physical Description
[ii], 67 num. leaves
Keywords
Storytelling; Independent films—Production and direction; Motion picture producers and directors; COVID-19 Pandemic, 2020-
Recommended Citation
Inza-Cruz, S. S. (2022). Kwento kanto: Antolohiya ng mga sandaling dulang pampelikula. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_lit/10
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
1-24-2024