Date of Publication
12-10-2021
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master of Arts in History
Subject Categories
History
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
History
Thesis Advisor
Jose Rhommel B. Hernandez
Defense Panel Chair
Lars Raymund C. Ubaldo
Defense Panel Member
Florina Y. Orillos-Juan
Jose Victor Z. Torres
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay isang pagsiyasat sa kasaysayan ng mga Guardias de Honor de Maria sa ika-19 siglo, kung saan bibigyang-diin ang papel ng pangkat bilang daluyan ng subersiyon sa kolonyalismo at ang mga karagdagang institusyon nito sa pamamagitan ng simbolikong pagkilos o pagtutol rito at ang pag-aangkin ng pananampalataya. Isinagawa ang masusing historiograpikal na pagsusuri sa mga aktibidad ng Guardias de Honor upang matunton ang kanilang naging ugnayan sa mga pangkasaysayang kaganapan mula 1872 hanggang 1910. Naibunyag sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ang matagumpay na pagangkin sa relihiyon na isang likas na katangian ng kalinangan at kulturang Pilipino. Ginamit ng mga Guardias de Honor ang relihiyon bilang simbolikong pakikipagtunggali kontra sa kolonyalismo at ang mga pamantayang kolonyal. Bukod pa rito ay natuklas mula sa pag-aaral ang identidad ng pangkat na tinaguriang, “Pseudo Guardias de Honor” bilang mga “nuevos Cristianos (bagong kristyano), o “bagos” na tumutukoy sa asimilyadong Igorot na namuhay sa mga pueblo ng rehiyong Ilocos. Sa kaso ng mga Guardias de Honor, natunghayan ang pag-iral ng militanteng pagtanggol sa relihiyon bilang manipestasyon ng mimesis (pag-angkin) at ang mga naging pamamaraan upang ipahayag ito sa panahon ng mga panlipunang pagbabago sa Pilipinas mula sa huling bahagi ng ika-19 siglo hanggang sa unang bahagi ng ika-20 siglo.
Susing salita: Guardias de Honor; Mimesis; Subersiyon; Kilusang Relihiyoso-Politikal;
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Physical Description
ix, 339 leaves
Keywords
Guardias de Honor—History—19th century; Investigations; Mimesis in the Bible; Subversive activities
Recommended Citation
Baguisi, M. M. (2021). Ang Guardias de Honor: Mimesis at subersiyon ng kilusang relihiyoso-politikal, 1872-1910. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_history/3
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
2-13-2022
Note
Some text in English