Date of Publication

12-10-2021

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master of Arts in History

Subject Categories

Oral History | Other Languages, Societies, and Cultures

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

History

Thesis Advisor

Jose Rhommel B. Hernandez

Defense Panel Chair

Ma. Florina Y. Orillos-Juan

Defense Panel Member

Lars Raymund C. Ubaldo
Marlon S. Delupio

Abstract/Summary

Sa bayan ng Baliwag, Bulacan ay masasaksihan ang pinakamahabang prusisyon ng mga karosa sa Pilipinas tuwing sasapit ang Mahal na Araw. Ang prusisyon ay naka-angkla sa “Pasyong Mahal” na naglalarawan ng bawat eksena ng tatlong taong ministeryo ni Hesus at nang kanyang pagpapakasakit noong unang Cuaresma. Sa loob ng maraming dekada ay nagpatuloy ang naturang tradisyong ito na mababakas sa pagdami ng bilang ng mga karosang lumalahok sa prusisyon. Sa taong 2021 ay umabot na sa isandaan at dalawampu’t dalawa (122) ang bilang ng mga ito mula sa orihinal na labimpito (17).

Ang kaugalian na ito ay isang patunay na ang relihiyong Romano Katoliko ay namamayani at nagpapatuloy sa bayan ng Baliwag. Ang ibang mga salik gaya ng mga biyaya at himala na sinasabing natatanggap ng mga tagapag-alaga ng mga imahe ay isa rin sa mga mahahalagang salik sa pagpapatuloy ng tradisyon na ito. Upang maipagpatuloy ang mga paniniwala at kaugalian na ito hinggil sa pagpu-prusisyon, isang mahalagang salik ang mga kamarero at kamarera.

Ang pag-aaral na ito ay susuriin ang matandang tradisyon ng Pagpu-prusisyon na bahagi na ng kasaysayan ng Baliwag sa maraming henerasyon. Ang kasaysayang pasalita na nalikom mula sa mga isinagawang panayam ay magsisilbing ambag sa pagbubuo ng panlipunan at pampook na kasaysayan ng naturang bayan. Alinsunod ay ang pagtanaw sa mga salik na naging sanhi ng pananatili ng tradisyong ito hanggang sa kasalukuyan. Sa huli ay bibigyang tuon ang hinaharap ng natatanging kultura ng pagpuprisisyon tuwing Mahal na Araw.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Physical Description

xvii, 667 leaves

Keywords

Processions--Philippines--Bulacan; Bulacan (Philippines)--Religious life and customs; Holy Week--Philippines--Bulacan; Oral history--Philippines

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

1-27-2022

Share

COinS