Date of Publication
2021
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Secondary Education
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Raquel E. Sison-Buban
Defense Panel Chair
Dolores R. Taylan
Defense Panel Member
Genevieve L. Asenjo
Rowell D. Madula
Abstract/Summary
Layunin ng pag-aaral na (1) mailatag ang mga kuwento ng angas bilang lakas ng mga kabataang babae, (2) matukoy ang kalimitang isyu/suliranin, at hamon ng mga kabataang babae ganundin kung paano nila ito hinaharap, at (3) madalumat ang angas/ o angas bilang lakas. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay nasa edad 18 hanggang 20 taong gulang na naging mga mag-aaral ng mananaliksik sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Muntinlupa (Senior High School). Gamit ang pakikipagkuwentuhan bilang metodo ng pananaliksik, sinuri ang mga binalikang alaala ng naging danas ng kabataang babae, pinagnilayan ang mga isyu/suliranin, hamon, at solusyon nila sa mga ito, at dinalumat ang angas nilang taglay batay sa kani-kanilang mga kuwento hanggang sa kung paano nila ito nagiging lakas.
Natuklasan sa pag-aaral na ito na ang konteksto ng angas sa mga nabuong kuwento ng kabataang babae ay ang pagtingin nila sa kanilang sarili, sa kapuwa, o sa buhay na naipahahayag sa iba’t ibang pamamaraan bilang pagtugon nila sa kani-kanilang mga isyu/suliranin, at hamon sa mga sitwasyong pinagdaraanan. Napag-alaman din na ang itinuturing nilang isyu/suliranin ay ang ano mang sitwasyon na naghahatid sa kanila o sa mahahalagang tao sa kanilang buhay ng lumbay at kabiguan gaano man ito katagal nang naganap. Nagsisilbing hamon sa kanila na pag-igihan at magpatuloy sa buhay dahil sa pag-asang hatid ng kani-kanilang sariling paniniwala at/o pagtitiwala ng mga taong mahalaga sa kanilang buhay. Bukod pa dito, natuklasan din na ang angas sa konteksto ng kanilang mga kuwento ay ang paraan nila ng pagtugon sa mga isyu/suliranin, at hamon na tumitingkad sa mga pagkakataong dinadala sila sa mga sitwasyong kinakailangan nilang protektahan o pangalagaan ang kanilang sarili at/o mga taong mahalaga sa kanilang buhay. Ang kanilang angas sa kabuuan ay ang lakas at tapang nilang harapin, pasanin, o tanggapin ang mga sitwasyong hindi nila kayang kontrolin.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Physical Description
515 leaves
Keywords
High school girls; Muntinlupa National High School (Philippines)--Students; Young women
Recommended Citation
Mandap, L. V. (2021). Ang angas bilang lakas: Mga kuwento ng kabataang babae ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Muntinlupa (Senior High School). Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/5
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
5-23-2021