Date of Publication

2-2021

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Fiber, Textile, and Weaving Arts | Other Languages, Societies, and Cultures

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Thesis Advisor

Rowell D. Madula

Defense Panel Chair

Raquel E. Sison-Buban

Defense Panel Member

Rhoderick V. Nuncio
Dolores R. Taylan

Abstract/Summary

Sa pag-usad ng panahon, hindi maikakailang nagbabago ang pangangailangan at panlasa ng tao sa lipunan. Maraming sa mga kulturang Pilipino ay nabago at naglaho na dahil dito, ngunit mayroon pa ring iilang nananatiling buhay at ipinagpapatuloy. Isa ang paghahablon sa mga kulturang makailang beses na nakaranas nang pagbagsak ngunit patuloy itong hinahatak pataas ng kaniyang lipunang kinabibilangan. Kaugnay nito, nilalayon ng pag-aaral na maipaliwanag kung paano nabubuo ang kultura nang paghahablon ng mga Miagaowanon. Sasagutin ito sa tulong mga tiyak na suliraning: 1.) Ano ang mga dahilan sa mataas na presyo ng hablon? 2.) Sino ang mga kilalang Miagaowanong manughabol? 3.) Bakit pinipili ng mga tagapagtangkilik ang hablon sa kabila nang mataas na presyo nito? 4.) Paano pinauunlad ng lipunang kinabibilangan ang hablon bilang kultural na bagay? Inilapat sa pag-aaral na ito ang konsepto ng Cultural Diamond ni Wendy Griswold sa pagsagot sa mga suliranin. Sa konseptong ito, inilalapit ang pagsusuri sa mga elementong bumubuo sa isang kultura. Una, ang kultural na bagay. Ikalawa, ang manlilikha. Ikatlo, ang tagatanggap at ikaapat ang lipunang kinabibilangan nang unang tatlong nabanggit. Matapos ang isinagawang pag-aaral, natukoy ng mananaliksik ang mga ginagampanan ng hablon, ng mga manughabol, tagapagtangkilik at ng bayan ng Miagao sa kultura ng paghahablon. Mahalaga ang gampanin ng bawat elemento sapagkat ito ang nagiging dahilan nang patuloy na pag-iral ng paghahablon sa kasalukuyan sa kabila ng hamon ng modernong panahon.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Physical Description

302 leaves

Keywords

Fibers; Weaving; Textured woven fabrics; Filipinos

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

5-24-2021

Share

COinS