Date of Publication
8-2026
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master of Arts in English Language Education
Subject Categories
Applied Linguistics | Psycholinguistics and Neurolinguistics
College
Br. Andrew Gonzalez FSC College of Education
Department/Unit
Dept of English and Applied Linguistics
Honor/Award
Outstanding Thesis Award
Thesis Advisor
Aireen Barrios-Arnuco
Defense Panel Chair
Ma. Joahna Mante-Estacio
Defense Panel Member
Rochelle Irene G. Lucas
Philip Adrianne A. Rentillo
Abstract (English)
Despite increasing efforts to document bilingual narrative development beyond Western, Educated, Industrialized, Rich, and Democratic (WEIRD) contexts, evidence on the Tagalog–English language combination remains limited. Little is known about bilingual children in public elementary schools, where narrative development unfolds amid shifting language-in-education policies and curriculum expectations, as well as the sociolinguistic realities of urban Philippine communities. This study examined cross-linguistic macrostructural narrative competence among 30 typically developing Tagalog–English bilingual children aged 7–8 years. Using an embedded mixed-methods design with a quantitatively dominant within-subjects framework, participants completed narrative production and comprehension tasks in Tagalog and English using parallel picture stories from the Multilingual Assessment Instrument for Narratives (MAIN). Language order and story stimuli were counterbalanced, and sessions were spaced 7 days apart. Narrative production was analyzed using Story Structure, Story Complexity, and Internal State Term (IST) measures, while comprehension was examined at global and individual macrostructural element levels. Results showed cross-linguistic asymmetry alongside convergence. Although overall performance was higher in English, the two languages showed broadly comparable macrostructural profiles, suggesting that the English advantage did not necessarily reflect fundamentally different narrative organization. In both languages, children more consistently represented externally observable actions than goals and intentions, and predominantly organized narratives around partial episode structures. Differences in IST production emerged primarily in the explicit expression of mental verbs, indicating that expressing cognitively complex internal states may be more sensitive to language-specific expressive resources. Narrative production and narrative comprehension showed moderate global within-language associations, whereas comprehension demonstrated greater cross-linguistic correlation than production. Item-level analyses further revealed that explicit production of macrostructural elements did not reliably predict comprehension of those elements, indicating that expressive and receptive processes reflect related but distinct dimensions of narrative competence. Overall, the findings support a view of bilingual narrative competence as involving broadly shared macrostructural knowledge alongside language-sensitive patterns of expression and accessibility.
Keywords: Tagalog–English bilingual children, narrative macrostructure, narrative production, narrative comprehension, internal state terms, Multilingual Assessment Instrument for Narratives (MAIN)
Abstract Format
html
Abstract (Filipino)
Sa kabila ng lumalawak na mga pagsisikap na maidokumento ang pag-unlad ng kasanayang naratibo ng mga bilingguwal na bata sa mga kontekstong lampas sa mga bansang inilalarawan bilang Western, Educated, Industrialized, Rich, and Democratic (WEIRD), nananatiling limitado ang mga ebidensiya hinggil sa kombinasyon ng wikang Tagalog at Ingles. Kaunti pa lamang ang nalalaman tungkol sa mga bilingguwal na bata sa mga pampublikong paaralang elementarya, kung saan nagaganap ang pag-unlad ng kasanayang naratibo sa gitna ng nagbabagong mga patakarang pangwika sa edukasyon at mga inaasahan sa kurikulum, gayundin sa mga sosyolingguwistikong realidad ng mga pamayanang urban sa Pilipinas. Sinuri sa pag-aaral na ito ang kros-lingguwistik na kasanayan sa naratibong istrukturang makro ng 30 batang Tagalog–Ingles na bilingguwal, may tipikal na pag-unlad, at may edad na pito hanggang walong taon. Gumamit ang pag-aaral ng embedded mixed-methods design na may kwantitatibong dominanteng within-subjects framework. Isinagawa ng mga kalahok ang mga gawain sa pagsasalaysay ng naratibo at pag-intindi sa naratibo sa Tagalog at Ingles gamit ang magkatugmang mga larawang-kuwento mula sa Multilingual Assessment Instrument for Narratives (MAIN). Binalanse ang pagkakasunod-sunod ng paggamit ng mga wika at mga larawang-kuwento, at isinagawa ang dalawang sesyon nang may pitong araw na pagitan. Sinuri ang pagsasalaysay ng naratibo gamit ang mga panukat na Istruktura ng Kuwento, Batayan ng Pagiging Komplikado ng Istruktura, at mga Terminolohiya ukol sa Internal na Kalagayan o Nararamdaman, samantalang sinuri ang pag-intindi sa parehong global na antas at sa antas ng mga indibidwal na elementong naratibong istrukturang makro. Ipinakita ng mga resulta ang parehong kros-lingguwistik na pagkakaiba at pagkakatulad. Bagama’t mas mataas ang pangkalahatang pagganap sa Ingles, nagpakita ang dalawang wika ng malawak na pagkakatulad sa mga padron ng istrukturang makro ng naratibo, na nagpapahiwatig na ang kalamangan sa Ingles ay hindi nangangahulugang may pundamental na pagkakaiba sa paraan ng pag-oorganisa ng naratibo sa dalawang wika. Sa parehong wika, mas konsistent na naipahahayag ng mga bata ang mga kilos na tuwirang naoobserbahan kaysa sa mga layon at intensiyon ng mga tauhan, at karaniwan nilang inoorganisa ang kanilang mga naratibo batay sa mga bahagyang istruktura ng episodyo. Lumitaw ang mga pagkakaiba sa produksiyon ng mga Terminolohiya ukol sa Internal na Kalagayan o Nararamdaman sa tahasang paggamit ng mga pandiwang pangkaisipan, na nagpapahiwatig na ang pagpapahayag ng mas komplikadong panloob na kalagayang kognitibo ay maaaring higit na sensitibo sa mga lingguwistikong rekurso ng bawat wika. Nagpakita ang pagsasalaysay at pag-intindi sa naratibo ng katamtamang pangkalahatang ugnayan sa loob ng bawat wika, samantalang nagpakita ang pag-intindi ng higit na ugnayang kros-lingguwistik kaysa sa pagsasalaysay. Ipinakita rin ng mga pagsusuri sa antas ng bawat elementong istrukturang makro ng naratibo na ang tahasang pagbanggit ng elemento sa pagsasalaysay ay hindi konsistent na tagapagtaya ng pag-unawa sa elementong iyon. Ipinahihiwatig nito na ang mga prosesong ekspresib at reseptib ay sumasalamin sa magkaugnay ngunit magkahiwalay na dimensiyon ng kasanayang naratibo. Sa kabuoan, pinagtitibay ng mga natuklasan ang pananaw na ang bilingguwal na kasanayang naratibo ay kinabibilangan ng magkatuwang na kaalaman sa istrukturang makro nito, kasabay ng mga padron ng pagpapahayag at pagproseso na sensitibo sa partikular na wika.
Mga Susing Salita: mga batang bilingguwal sa Tagalog at Ingles, istrukturang makro ng naratibo, pagsasalaysay ng naratibo, pag-intindi sa naratibo, mga Terminolohiya ukol sa Internal na Kalagayan o Nararamdaman, Multilingual Assessment Instrument for Narratives (MAIN)
Abstract Format
html
Language
English
Format
Electronic
Keywords
Bilingualism in children—Philippines; Tagalog language—Acquisition; English language—Acquisition; Comprehension in children; Psycholinguistics
Recommended Citation
Duran, G. C. (2026). The story of the story: A cross-linguistic macrostructural analysis of narrative production and comprehension in Tagalog–English bilingual children. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_deal/27
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
9-2029