Date of Publication
5-2021
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Education | Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Feorillo Petronillo A. Demeterio, III
Defense Panel Chair
Raquel E. Sison-Buban
Defense Panel Member
Tereso S. Tullao, Jr
Rodrigo D. Abenes
Dexter B. Cayanes
Teresita F. Fortunato
Abstract/Summary
Ang disertasyong ito ay isang intelektuwal na kasaysayang buhay ni Br. Andrew B. Gonzalez. Si Br. Andrew ay kilalang iskolar ng lingguwistika. Ngunit, sa kasaysayan ng iskolarsyip sa bansa hindi nabigyan ng tuon ang kanyang mahahalagang ambag sa larangan ng edukasyon at pananaliksik. Natabunan ito ng kanyang mga ambag bilang tanyag na pinuno ng Pamantasang De La Salle. Sinaysay ng disertasyon ang kinapopookan ni Br. Andrew sa pangkalahatang kasaysayan ng iskolarsyip sa bansa. At nais ihanay ng pag-aaral si Br. Andrew sa mga higanteng intelektuwal na kinabibilangan nina Salazar, Enriquez, Quito, Mercado, at marami pang iba.
Gamit ang tambalang kasaysayang buhay na pinatanyag ng mga iskolar na may kaugnayan sa Pantayong Pananaw ni Zeus Salazar at ang kanluraning teoryang hermenyutika na nag-ugat naman mula sa mga obra ni Friedrich Schleirmacher at Wilhelm Dilthey, sinuri ng mananaliksik ang ilang mga akda ni Br. Andrew na may kinalaman sa edukasyon at pananaliksik. Pinalutang ng mananaliksik ang ugnayan ng buhay ni Br. Andrew at ng kanyang mga kaisipan.
Ang pag-aaral ay naglalarawan sa paghubog ng kasaysayang buhay ni Br. Andrew at ang kaniyang aktibong pakikilahok sa mga larangan ng pananaliksik at edukasyon sa iba’t ibang yugto ng kanyang buhay. May tatlong tiyak na layunin ang disertasyon, ito ay ang mga sumusunod: Isalaysay ang kasaysayang buhay ni Br. Andrew mula sa kanyang talaangkanan, pagkabata, pag-aaaral, propesyunal na karera, hanggang sa kanyang kamatayan; isalaysay ang mga pamamaraan ni Br. Andrew Gonzalez sa kanyang intektuwal na ugnayan sa mga indibiduwal at organisasyon sa larangan ng pananaliksik; at Ilahad ang naitatak na mahahalagang kontribusyon ni Br. Andrew sa pagsusulong ng edukasyon sa Pilipinas.
Sa Kabanata 4, klarong nailarawan ng mananaliksik ang kasaysayang buhay ni Br. Andrew. Kung paano naging malakas ang impluwensya ng kristiyanismo at ang misyon ng mga La Sallian Brothers sa kanyang intelektuwal na pag-unlad. Liban pa ito sa impluwensya ng pamilya, mga pamantasang pinag-aralan, mga katuwang sa mga organisasyon, at marami pang iba. Sa Kabanata 5 at Kabanata 6, ipinakita ng mananaliksik ang mga mahahalagang ambag ni Br. Andrew sa edukasyon at pananaliksik sa bansa. Sa pinakahuling Kabanata, nagbigay ang mananaliksik ng ilang mga mahahalaga at positibong kontribusyon ni Br. Andrew sa pangkalahatang Araling Pilipino.
Susing Salita: Br. Andrew Gonzalez; Hermenyutika, Kasaysayang Buhay, Kasaysayan, Kapampangan, Araling Pilipino, Lasallian, DLSU, De La Salle
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Keywords
Gonzalez, Andrew, 1940-2006; Hermeneutics; De La Salle University (Philippines); Biography
Recommended Citation
Viray, J. B. (2021). Br. Andrew B. Gonzalez, FSC: Pantas ng pananaliksik at edukasyong Pilipino. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/7
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
9-24-2023