Date of Publication
12-15-2018
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Asian Studies
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Feorillo Petronilo A. Demeterio, III
Defense Panel Chair
David Michael M. San Juan
Defense Panel Member
Fanny A. Farcia
Lars Raymund C. Ubaldo
John Iremil E. Teodoro
Rodrigo D. Abenes
Abstract/Summary
Bago pa man maiugnay sa mga ilustrado at propagandista o maging kritiko ng kolonisasyong Espanyol at Amerikano, kahanga-hanga na ang hanay ng mga kontribusyon ni de los Reyes sa pangkalahatang aktibidad ng periyodikal na palimbagan at intelektwal na diskursong lokal lalo na sa usapin ng folklore at ingklusibong pagkabansa. Alinsunod dito, nilayon ng disertasyon ang pagtatanghal ng mga kabatiran at aral mula sa diskurso ng Araling Filipino ni de los Reyes na maaaring madaling maunawaan ng mga iskolar at mag-aaral ng kasaysayan at Araling Filipino, tagapagsulong ng Wikang Filipino, at mga manunulat at mamamahayag ng bansa. Nahahati sa pitong kabanata ang pananaliksik: 1) paglalahad ng suliranin, 2) rebyu ng mga kaugnay na literatura, 3) metodolohiya, 4) intelektwal na talambuhay ni de los Reyes, 5) matitingkad na tema ng mga obra 6) paglalagom sa Araling Filipino ni de los Reyes, at ang 7) kongklusyon. Pinakalayunin ng pag-aaral ang magmungkahi ng ilang aspekto at dimensyon sa proseso ng pagsasaalang-alang ng mga aral at kabatirang mahahango mula sa diskurso ni de los Reyes bilang isang mahalagang kontribusyon sa kontemporanyong Araling Filipino.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Keywords
De los Reyes, Isabelo Florentino, 1864-1938; Filipino language
Recommended Citation
Liwanag, L. L. (2018). Surutentayo ni Isabelo De Los Reyes (follow Isabelo De Los Reyes): Mga kabatiran at aral para sa kontemporanyong araling filipino. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/4
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
5-12-2021