Date of Publication
8-2025
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Critical and Cultural Studies
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Feorillo Petronilo A. Demeterio, III
Defense Panel Chair
Rowell D. Madula
Defense Panel Member
Leslie Anne L. Liwanag
Arnel T. Sicat
John Iremil E. Teodoro
Joseph Reylan B. Viray
Abstract (English)
Isa ang Kapampangan sa sampung pangunahing pangkat-etniko sa Pilipinas. Sa kabila ng mayamang kasaysayan at kultura nito, kapansin-pansing limitado pa rin ang mga umiiral na literatura na tumutuon sa kanilang pagkakakilanlan, lalo na sa konteksto ng pagtatanghal sa mga institusyong pangkultura tulad ng museo. Bilang tugon sa puwang na ito, isinagawa ang pagsusuri sa pangunahing museo ng Center for Kapampangan Studies (CKS) gamit ang perspektiba ng pangmuseong semiyotika. Layunin ng pananaliksik na tukuyin kung paano itinatanghal ang Kapampangan bilang lokal na identidad sa pamamagitan ng mga koleksyon, kurasyon, at eksibisyon ng museo. Inangkla ang pag-aaral sa teoryang semiyotika ni Roland Barthes, partikular sa konsepto ng denotasyon at konotasyon, na isinagawa sa pamamagitan ng deskriptibo at interpretatibong pagsusuri. Gumamit ang pag-aaral ng sistematikong obserbasyon at imersyon sa museo, na naging batayan sa klasipikasyon ng mga eksibit bilang stand-alone at clustered na eksibits. Upang higit na maunawaan ang diskursibong ugat ng mga museo maging ng mga koleksyon at eksibit nito, isinagawa rin ang panayam sa mga tagapangasiwa ng sentro hinggil sa kanilang kuratoryal na intensyon at institusyonal na adhikain. Mula sa pagsusuri, natukoy ang 15 katangian na bumubuo sa imaheng Kapampangan, na isinaayos sa apat na pangunahing kategorya: a) personalidad at pag-uugali, b) pananampalataya at espiritwalidad, c) kamalayang pampolitika at makabayan, at d) intelektuwalismo at edukasyon. Ang mga dimensyong ito ay lalong pinayaman ng pananaw ng mga piling stakeholders na nakapanayam. Sa kabuuan, ipinakikita ng museo ang isang positibong representasyon ng pagkakakilanlang Kapampangan na nakaangkla sa kasaysayan, sining, pananampalataya, wika, at panitikan. Isang mahalagang ambag ng pag-aaral ang pagkakabuo ng Modelong PUNLÁYON na isang lokal at kontekstuwalisadong semiyotikong balangkas na naglalarawan sa museo bilang punlaan ng mga tanda at naratibo mula sa layunin ng mga kurador. Inilalatag ng pananaliksik ang panimulang yugto tungo sa isang mas masinsinang pagbasa sa mga umiiral na tensyon, ideolohiya, kapangyarihan, at usapin ng inklusibidad sa representasyon ng mga Kapampangan sa museo. Pinatutunayan nito na ang museo ng CKS ay hindi lamang tagapag-ingat ng kultura kundi isang aktibong tagapagtanghal at tagapaglikha ng naratibong bumabalangkas sa pagka-Kapampangan at sa malawak na diskurso ng pagiging Filipino. Gayunpaman, nananatiling hamon ang pagsasagawa ng isang mas kritikal, balanse, at inklusibong ugnayan sa pagitan ng museo at ng komunidad, isang hamong isusulong ng mga susunod pang yugto ng pagsusuri.
Mga Susing Salita: Center for Kapampangan Studies, Kapampangan, kultura, pagkakakilanlan, museo, Pangmuseong Semiyotika, Roland Barthes, deskriptibo, interpretatibo
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Keywords
Pampangan (Philippine people); Ethnicity--Philippines; Museums--Philippines; Roland Barthes
Recommended Citation
Cruz, W. M. (2025). Yng canacung lipi queñg museu: Isang semiyolohikal na pagsusuri ng pagkakakilanlang kapampangan sa pangunahing museo ng center for kapampangan studies. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/34
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
8-14-2025