Date of Publication
2021
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Film and Media Studies
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Dexter B. Cayanes
Defense Panel Chair
Rhoderick V, Nuncio
Defense Panel Member
Jose Wendell B. Capili
Clodualdo A. Del Mundo, Jr.
Feorillo Petronillo A. Demeterio, III
Rowell D. Madula
Abstract/Summary
Argumento ng kasalukuyang pag-aaral na dumarami man ang mga iskolarsyip tungkol sa pelikulang Pilipino ay nananatili naman ang kawalan ng pag-aaral sa maiikling pelikula, sa parehong diskurso ng pelikulang pambansa at independent cinema. Dahil malaya sa motibasyong kumita, ipinapalagay na ang maiikling pelikula ay mga tekstong sisidlan ng malawak na imahinasyon ng bansa. Makikita rito ay ang kakaibang mga paraan ng pagpapahayag at mga kuwento, danas, at temang hindi nabibigyan ng espasyo sa mga pelikulang ganap ang haba. May mga institusyong tulad ng Cinemalaya na nagsilbing plataporma para sa maiikling pelikula, subalit sa likod ng tagumpay nito ay wala pa ring pag-aaral tungkol dito.
Gamit ang mga konsepto ng pelikulang pambansa na halaw sa imagined communities ni Benedict Anderson at ang balangkas ng Philippine New Wave Indie Film ni Nicanor Tiongson, sinuri ang maiikling pelikulang kalahok sa labing-anim na taon ng Cinemalaya (2005-2020). Sa pagsisiyasat sa mga moda ng produksiyon, teknolohiya, estetika, at mga kategoryang namayani sa “Cinemalaya Shorts,” nilalayon ng pag-aaral na matuklasan ang saysay ng maiikling pelikula bilang lunsaran ng imahinasyon ng bansa.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Physical Description
311 leaves
Keywords
Short films; Independent films; Digital cinematography; Cinemalaya
Recommended Citation
Corpuz, D. R. (2021). ImaheNasyon: Mga maikling pelikula ng Cinemalaya (2005-2020) at ang pagharaya ng bansa. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/3
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
5-7-2021