Date of Publication

2021

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Linguistics

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Thesis Advisor

Feorillo Petronillo A. Demeterio, III

Defense Panel Chair

Raquel R. Sison-Buban

Defense Panel Member

Dolores R. Taylan
John Iremil E. Teodoro
Aurora E. Batnag
Rodrigo D. Abenes

Abstract/Summary

Tagalog ang pangunahing wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Lungsod ng Lipa, sa lalawigan ng Batangas. Dahil sa dami ng gumagamit at patuloy na pagbabago kasabay ng pagbabago sa panahon at karanasan ng gumagamit, malaki ang nagiging epekto nito sa pagiging indibidwal at sa komunidad na ginagalawan. Ang mga pagbabagong ito ay nagreresulta ng pagkakaroon ng pagkakaiba-iba at pagkakaroon ng varayti sa isang partikular na wika. Ang pananaliksik ay naglayon na mailarawan ang mga pagbabagong leksikal, morpolohikal at ponolohikal sa pasalitang diskurso sa Tagalog na umiiral sa piling barangay sa poblasyon at periperal na bahagi ng Lungsod ng Lipa. Sa pamamagitan ng focused group discussion (FGD), photoelicitation at masusing pag-oobserba sa 96 na impormante, nagawang mapaghambing ang mga katangiang taglay ng pasalitang diskurso ng mga impormante alinsunod sa teoryang varyabilidad ni Labov at akomodasyon ni Giles. Batay sa resulta, nakitang napakaminimal lamang ng pagkakaiba sa pasalitang diskurso ng mga tagapoblasyon at periperal na bahagi ng Lungsod ng Lipa. Dahil iisang diyalekto ang ginamit ng dalawang speech community, nagkaroon man ng varyasyong leksikal at ponolohikal nakita pa rin ang malaking pagkakahawig ng sinasalitang wika at nanatili ang unawaan sa bawat mamamayan.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Physical Description

271 leaves

Keywords

Sociolinguistics; Tagalog language; Grammar, Comparative and general—Phonology; Grammar, Comparative and general—Morphology

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

5-24-2021

Share

COinS