Date of Publication

8-2026

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doctor of Philosophy in Applied Linguistics

Subject Categories

Applied Linguistics | Other Languages, Societies, and Cultures

College

Br. Andrew Gonzalez FSC College of Education

Department/Unit

Dept of English and Applied Linguistics

Thesis Advisor

Leah E. Gustilo

Defense Panel Chair

Aireen B. Arnuco

Defense Panel Member

Sterling M. Plata
Nimfa G. Dimaculangan
Chenee M. Dino
Kristine D. de Leon

Abstract (English)

Internet Philippine English (IPE), defined in this study as the localized and evolving variety of English used by Filipinos online and characterized by creative vocabulary, code-switching, abbreviations, and other forms adapted to digital communication (Gustilo & Dino, 2023), has developed alongside the rapid growth of digital communication, giving rise to new lexical forms shaped by multilingual practices and online interaction. This study explored the word-formation processes underlying IPE lexical items and examined ESL teachers' and students' perceptions of these lexical items in terms of awareness, intelligibility, and acceptability. Specifically, the study identified the innovative lexical items used in IPE, analyzed the processes involved in their formation, investigated the relationships among awareness, intelligibility, and acceptability, and determined which factors predict the acceptability of IPE lexical items.

A mixed-methods corpus-based approach was employed in the study. Lexical data were collected from student responses and publicly accessible online platforms, including Facebook, X/Twitter, Instagram, TikTok, YouTube, blogs, online gaming communities, and online selling reviews. The corpus covered publicly available online texts published between 2018 and 2026, while the collection, screening, organization, and preparation of the data were conducted in a staggered manner from November 2022 to January 2026. The resulting corpus yielded 411 IPE lexical items, which were analyzed according to their word-formation processes. To examine perceptions of these lexical items, survey questionnaires were administered to 100 ESL teachers and 100 college students.

The findings showed that IPE expands through both traditional and emerging word-formation processes. Borrowing was the most productive process, accounting for 53 lexical items, followed by semantic extension and adaptation with 45 occurrences. Among coinage processes, endocentric compounds (51) were the most common, followed by blends (25), compounds containing Tagalog elements (24), exocentric compounds (23), derivation (11), synthetic compounds (11), and total innovation (11). Other productive processes included alphabetic abbreviations (33), clipped forms (21), semantic shifts, and shifts in grammatical function. The study also identified several forms associated with digital communication, including Taglish verb formation, orthographic respelling, anagrammatic transposition, hashtag-based lexicalization, emoji-based lexicalization, hypocoristic extension, and algospeak. These patterns formed the basis of a proposed model of IPE word formation that integrates both established linguistic processes and innovations emerging from online communication.

Results further revealed significant differences between teachers and students in terms of awareness and intelligibility. Students demonstrated higher levels of awareness of IPE lexical items and were generally better able to interpret their meanings and usage. Despite these differences, no significant variation was found in their acceptability ratings, suggesting that both groups share similar views regarding the appropriateness of these lexical items across communication contexts. The findings also showed a close relationship between awareness and intelligibility, indicating that increased awareness of and exposure to IPE contribute to greater understanding of its lexical forms. Multiple regression analysis identified awareness, intelligibility, and age as significant predictors of acceptability, with awareness and intelligibility emerging as the strongest contributors.

The study concludes that IPE is an evolving variety of Philippine English shaped by digital communication, multilingualism, and the everyday linguistic practices of Filipino internet users. While established word-formation processes continue to contribute to its development, online environments have also given rise to innovative lexical forms that reflect contemporary modes of communication. The findings support the view that IPE represents a meaningful and developing component of Philippine English, demonstrating how language continually adapts to changing social, cultural, and technological contexts.

The present research contributes to the fields of Philippine English and World Englishes by integrating the analysis of lexical innovation with the investigation of language users' awareness, intelligibility, and acceptability of emerging forms. This integrated perspective extends previous descriptions of Philippine English by showing how established word-formation processes interact with innovations arising from digital communication. The proposed model and compiled corpus may provide useful reference materials for future researchers, educators, and lexicographers. The study also suggests that online lexical forms should be examined as meaningful evidence of ongoing language change rather than being viewed only as temporary or inappropriate expressions. These implications highlight the need for language research and instruction to recognize the evolving relationship among multilingualism, technology, and contemporary English use.

Abstract Format

html

Abstract (Filipino)

Kasabay ng mabilis na paglawak ng digital na komunikasyon, umusbong ang Internet Philippine English (IPE) bilang isang lokal at umuunlad na anyo ng Ingles na ginagamit ng mga Pilipino online. Sa pag-aaral na ito, ang IPE ay tumutukoy sa lokal at nagbabagong baryante ng Philippine English na ginagamit at hinuhubog sa online na komunikasyon, na nailalarawan sa mga inobatibong bokabularyo, code-switching, mga daglat, at iba pang anyong iniaangkop sa digital na komunikasyon (Gustilo at Dino, 2023). Sinuri sa pag-aaral ang mga prosesong pinagdaraanan ng pagbuo ng mga anyong leksikal sa IPE at ang persepsyon ng mga guro ng ESL at mga mag-aaral sa kolehiyo sa mga anyong ito batay sa kanilang kamalayan, pag-unawa, at pagtanggap. Tinutukoy rin ng pag-aaral ang mga umuusbong na anyong leksikal sa IPE, sinusuri ang mga prosesong kasangkot sa pagbuo ng mga ito, pinag-aaralan ang ugnayan ng kamalayan, pag-unawa, at pagtanggap, at tinutukoy ang mga salik na nakaaapekto sa pagtanggap sa mga anyong leksikal ng IPE.

Gumamit ang pag-aaral ng pinagsamang kwalitatibo at kwantitatibong disenyo na nakabatay sa corpus linguistics. Nakalap ang mga datos mula sa mga tugon ng mga mag-aaral at mga pampublikong online na teksto mula sa Facebook, X/Twitter, Instagram, TikTok, YouTube, mga blog, online gaming communities, at online selling-review platforms. Saklaw ng korpus ang mga pampublikong online na tekstong nailathala mula 2018 hanggang 2026, samantalang ang aktuwal na pangangalap, pagsasala, pag-oorganisa, at paghahanda ng mga datos ay isinagawa nang paunti-unti mula Nobyembre 2022 hanggang Enero 2026. Mula sa nabuong korpus, natukoy at nasuri ang kabuuang 411 anyong leksikal ng IPE ayon sa mga prosesong sangkot sa pagbuo ng mga ito. Upang masuri ang kamalayan, pag-unawa, at pagtanggap sa mga anyong leksikal na ito, nagsagawa rin ng sarbey sa 100 guro ng ESL at 100 mag-aaral sa kolehiyo.

Ipinakita ng mga natuklasan na lumalawak ang IPE sa pamamagitan ng mga tradisyonal at umuusbong na proseso ng pagbuo ng salita. Pinakaproduktibo ang borrowing, na may 53 anyong leksikal, na sinundan ng semantic extension at adaptation na may 45 paglitaw. Sa mga proseso ng coinage, pinakakaraniwan ang endocentric compounds na may 51 anyo, na sinundan ng blends (25), compounds na may elementong Tagalog (24), exocentric compounds (23), derivation (11), synthetic compounds (11), at total innovation (11). Nakapag-ambag din ang alphabetic abbreviations (33), clipped forms (21), pagbabago ng kahulugan, at pagbabago ng gamit ng salita sa pangungusap. Natukoy rin ang ilang anyong nauugnay sa digital na komunikasyon, kabilang ang Taglish verb formation, orthographic respelling, anagrammatic transposition, hashtag-based lexicalization, emoji-based lexicalization, hypocoristic extension, at algospeak. Mula sa mga padron na ito, nakabuo ang pag-aaral ng mungkahing modelo ng pagbuo ng salita sa IPE na nagsasama ng mga itinatag nang prosesong lingguwistiko at mga inobasyong umuusbong mula sa online na komunikasyon.

Ipinakita ng mga resulta na may makabuluhang pagkakaiba ang mga guro at mag-aaral sa antas ng kamalayan at pag-unawa sa mga anyong leksikal ng IPE. Nagpakita ang mga mag-aaral ng mas mataas na antas ng kamalayan sa mga anyong leksikal ng IPE at mas mahusay na naunawaan ang kanilang mga kahulugan at gamit. Sa kabila nito, walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng pagtanggap ng dalawang pangkat, na nagpapahiwatig na magkatulad ang kanilang pananaw hinggil sa pagiging angkop ng mga anyong ito sa iba’t ibang konteksto ng komunikasyon. Ipinakita rin ng mga natuklasan ang malapit na ugnayan ng kamalayan at pag-unawa, na nagpapahiwatig na ang mas mataas na antas ng kamalayan at pagkakalantad sa IPE ay nakatutulong sa higit na pag-unawa sa mga anyong leksikal nito. Natukoy rin ng multiple regression analysis na ang kamalayan, pag-unawa, at edad ay makabuluhang mga prediktor ng pagtanggap, kung saan ang kamalayan at pag-unawa ang may pinakamalakas na ambag.

Batay sa mga natuklasan, ang IPE ay isang umuusbong na baryante ng Philippine English na hinuhubog ng digital na komunikasyon, multilinggwalismo, at pang-araw-araw na paggamit ng wika ng mga Pilipino sa internet. Bagaman patuloy na nakatutulong sa pag-unlad nito ang mga itinatag nang proseso ng pagbuo ng salita, nagbubunga rin ang mga online na kapaligiran ng mga inobatibong anyong leksikal na sumasalamin sa mga kontemporaryong paraan ng komunikasyon. Sinusuportahan ng mga natuklasan ang pananaw na ang IPE ay isang mahalaga at patuloy na umuunlad na bahagi ng Philippine English na nagpapakita kung paano nakaaangkop ang wika sa nagbabagong panlipunan, kultural, at teknolohikal na kalagayan.

Nag-aambag ang pag-aaral na ito sa mga larangan ng Philippine English at World Englishes sa pamamagitan ng pagsasama ng pagsusuri sa inobasyong leksikal at pagsisiyasat sa kamalayan, pag-unawa, at pagtanggap ng mga gumagamit ng wika sa mga umuusbong na anyo. Pinalalawak ng pinagsamang pananaw na ito ang mga naunang paglalarawan sa Philippine English sa pamamagitan ng pagpapakita kung paano nagkakaugnay ang mga itinatag nang proseso ng pagbuo ng salita at mga inobasyong nagmumula sa digital na komunikasyon. Maaaring magsilbing sangguniang materyal ang mungkahing modelo at nabuong korpus para sa mga susunod na mananaliksik, guro, at leksikograpo. Iminumungkahi rin ng pag-aaral na dapat suriin ang mga online na anyong leksikal bilang makabuluhang ebidensiya ng patuloy na pagbabago ng wika sa halip na tingnan lamang bilang pansamantala o di-angkop na mga ekspresyon. Binibigyang-diin ng mga implikasyong ito ang pangangailangang kilalanin sa pananaliksik at pagtuturo ng wika ang patuloy na nagbabagong ugnayan ng multilinggwalismo, teknolohiya, at kontemporaryong paggamit ng Ingles.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Electronic

Keywords

English language—Philippines; Language and the Internet; Online social networks—Language; Language awareness

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

9-2029

Available for download on Saturday, September 01, 2029

Share

COinS