Date of Publication

3-30-2026

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doctor of Philosophy in Counseling Psychology

Subject Categories

Counseling Psychology

College

Br. Andrew Gonzalez FSC College of Education

Department/Unit

Counseling and Educational Psychology

Thesis Advisor

Aime T. Guarino

Defense Panel Chair

Estesa Xaris Que Legaspi

Defense Panel Member

John Addy S. Garcia
Jerome A. Ouano
Lucille A. Montes
Oliver B. Sta. Ana

Abstract (English)

This exploratory multiple-case study examined how 14 first-year students at Mariano Marcos State University experienced and navigated loneliness while living in dormitories or boarding houses away from their families. The study was anchored in Peplau and Perlman’s Transactional Model of Loneliness, particularly its view that loneliness arises when individuals perceive a discrepancy between the relationships they desire and those they experience. Data were gathered through four rounds of individual semi-structured interviews with each participant, and analysis began with close examination of each person-in-context case and proceeded to cross-case thematic analysis informed by Braun and Clarke.

Across the cases, loneliness was associated less with physical separation alone than with the loss of ordinary forms of care, including shared meals, unsolicited check-ins, familiar voices, and the presence of someone who would notice changes in mood. Some students remained lonely despite being surrounded by classmates or housemates. Across several cases, hiyadangalpakikiramdam, and fear of becoming pabigat influenced disclosure and help-seeking. These cultural meanings were interpreted only where supported by participants’ narratives and were not treated as characteristics shared by all Filipino students.

The cross-case analysis distinguished Restorative Coping, such as family contact, prayer, journaling, music, movement, routines, and selective peer connection, from Camouflage Coping, including busyness, digital distraction, withdrawal, concealment, and academic overfunctioning. Whether loneliness eased, persisted, or deepened depended partly on Relational Resonance, or whether support felt warm, safe, timely, continuous, and emotionally usable. The study recommends Relational Proactivity through low-pressure check-ins, continuity of care, accessible peer connection, and counseling support during recurring periods of vulnerability.

Abstract Format

html

Abstract (Filipino)

Sinuri ng eksploratoryong multiple-case study na ito kung paano naranasan at hinarap ng 14 na mag-aaral sa unang taon sa Mariano Marcos State University ang kalungkutan habang naninirahan sa mga dormitoryo o boarding house na malayo sa kanilang mga pamilya. Nakabatay ang pag-aaral sa Transactional Model of Loneliness nina Peplau at Perlman, partikular sa pananaw na umuusbong ang kalungkutan kapag nakikita ng isang tao ang agwat sa pagitan ng mga ugnayang ninanais niya at ng mga ugnayang aktuwal niyang nararanasan. Nakalap ang datos sa pamamagitan ng apat na yugto ng indibidwal na semi-structured interview sa bawat kalahok. Nagsimula ang pagsusuri sa masusing pagtingin sa bawat kaso ng person-in-context at sinundan ng cross-case thematic analysis na ginabayan ng pamamaraan nina Braun at Clarke.

Sa kabuuan ng mga kaso, ang kalungkutan ay hindi lamang kaugnay ng pisikal na pagkakalayo sa pamilya kundi higit sa pagkawala ng mga pangkaraniwang anyo ng pag-aaruga, gaya ng sabayang pagkain, kusang pangungumusta, pamilyar na mga tinig, at presensya ng isang taong makapapansin kapag may pagbabago sa kanilang kalagayan o damdamin. Nanatiling nakararanas ng kalungkutan ang ilang mag-aaral kahit napaliligiran sila ng mga kaklase o kasama sa tirahan. Sa ilang kaso, nakaimpluwensiya sa pagbabahagi ng nararamdaman at paghahanap ng tulong ang hiya, dangal, pakikiramdam, at pangambang maging pabigat. Ang mga kahulugang kultural na ito ay binigyang-interpretasyon lamang kapag malinaw na sinusuportahan ng mga salaysay ng mga kalahok at hindi itinuring na mga katangiang taglay ng lahat ng mag-aaral na Pilipino.

Sa cross-case analysis, natukoy ang pagkakaiba sa pagitan ng Restorative Coping, tulad ng pakikipag-ugnayan sa pamilya, pananalangin, pagsusulat sa journal, pakikinig sa musika, pisikal na pagkilos, pagpapanatili ng mga gawain o routine, at piling pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan, at Camouflage Coping, na kinabibilangan ng labis na pagpapakaabala, digital na distraksiyon, paglayo sa iba, pagtatago ng nararamdaman, at labis na pagtutok sa gawaing akademiko. Ang pagluwag, pagpapatuloy, o paglala ng kalungkutan ay nakasalalay din sa Relational Resonance, o sa antas kung saan ang suportang natatanggap ay nararanasang mainit, ligtas, napapanahon, tuloy-tuloy, at emosyonal na kapaki-pakinabang. Inirerekomenda ng pag-aaral ang Relational Proactivity sa pamamagitan ng hindi mapilit at magaan na pangungumusta, pagpapanatili ng tuloy-tuloy na pag-aaruga at suporta, madaling maabot na koneksiyon sa kapwa mag-aaral, at serbisyong pagpapayo sa mga paulit-ulit na panahong higit na bulnerable ang mga mag-aaral sa kalungkutan.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Electronic

Keywords

Loneliness in adolescence—Philippines; College freshmen—Philippines—Psychology; Adjustment (Psychology) in adolescence—Philippines

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

8-2027

Available for download on Sunday, August 01, 2027

Share

COinS