"Isang institusyonal na kasaysayan ng pambansang suriang pangkasaysayan" by John Murie P. Cayetano

Date of Publication

8-5-2024

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in History

Subject Categories

Other History | Political History

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

History

Thesis Advisor

Lars Raymund C. Ubaldo

Defense Panel Member

Michael Charleston B. Chua
Ma. Florina Y. Orillos-Juan

Abstract/Summary

Isinasalaysay sa tesis ang makabuluhang kasaysayan ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan bilang isang institusyong may tuwirang kinalaman sa kasaysayan ng bansa. Ang pagpapanahon ng tesis ay magsisimula sa taong 1972 dahil ito ang taon ng pagkakatatag ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan. Ang petsa ng pagtatapos ay 2010 dahil sa taong ito binago ang Pambansang Suriang Pangkasaysayan patungo sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas. Inilalahad ng papel ang pagkakatatag hanggang sa iba’t ibang yugto ng pag-iral ng institusyon na nakasalig sa mandato na isulong at alagaan ang mga kultural na pamana ng Pilipinas, sa pamamagitan ng mga pananaliksik sa kasaysayan at pambansang bayani, at pagpapanatili ng mga pambansang dambana, monumento, at palatandaan ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan. Itinataya ang pinagdaanan ng ahensya gamit ang new institutionalism bilang batayan ng pagsusuri. Sa kabuuan, ang kasaysayan ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan ay nagpapakita ng pagganap nito sa kanilang mandato na tumutupad sa layuning palakasin ang nasyonalismo ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga proyektong isinagawa ng Surian tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Keywords

Philippines—Politics and government; Philippines—History; Pambansang Suriang Pangkasaysayan; National Historical Institute

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

8-14-2024

Share

COinS