Date of Publication

12-2025

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Science in Biology major in Molecular Biology and Biotechnology

Subject Categories

Biology

College

College of Science

Department/Unit

Biology

Thesis Advisor

Antonio Samuel S. Mamauag

Defense Panel Chair

Marigold O. Uba

Defense Panel Member

Christian Jordan O. Dela Rosa
John Paul S. Domingo

Abstract (English)

Candida albicans is an opportunistic fungal pathogen responsible for increasing rates of invasive infections, particularly in hospital settings. Its genetic adaptability contributes to persistent infection, virulence variation, and emerging antifungal resistance. This study examined mutational patterns in C. albicans clinical isolates obtained from various origins to assess global mutational variation. Comparative genomic analysis quantified variant distribution and frequency, mutation rates, and mutational loads within antifungal resistance and virulence-associated genes. The analysis revealed geographically structured and statistically non-random mutational variation, shaped by both intrinsic mechanisms and external clinical pressures. Most variants occurred in non-coding regions with modifier-level impacts, indicating limited direct functional disruption but suggesting potential regulatory roles that may support genomic adaptability. The non-random nature of the mutational patterns was further confirmed by a chi-square test (p < 0.01), which demonstrated a significant association between mutation type and geographic origin, although the strength of this association varied across regions. Moreover, a heatmap analysis illustrated that the similarity of mutational patterns between countries did not exceed a similarity coefficient of 0.3 (with 1.0 representing higher similarity), reinforcing that the patterns were highly region-specific rather than globally uniform. These findings establish a genomic baseline for C. albicans diversity and underscore the importance of global genomic surveillance to monitor adaptive evolution and emerging antifungal resistance.

Abstract Format

html

Abstract (Filipino)

Ang Candida albicans ay isang oportunistikong "fungal pathogen" na nagdudulot ng tumataas na bilang ng malulubhang impeksiyon, lalo na sa mga ospital. Ang kakayahan nitong umangkop sa antas henetiko ay nag-aambag sa patuloy na impeksiyon, pagkakaiba-iba ng antas ng pagiging mapaminsala, at pag-usbong ng "antifungal resistance". Sinuri ng pag-aaral na ito ang mga padron ng mutasyon sa mga klinikal na isolate ng C. albicans mula sa iba’t ibang rehiyon upang masuri ang pandaigdigang pagkakaiba-iba ng mutasyon. Sa pamamagitan ng paghahambing na pagsusuring henomiko, tinukoy ang distribusyon at dalas ng mga baryante, antas ng mutasyon, at bigat ng mutasyon sa mga hene o "genes" na may kaugnayan sa "antifungal resistance" at mga hene na may kinalaman sa pagiging mapaminsala. Ipinakita ng mga resulta na ang mga pagkakaiba-iba ng mutasyon ay may malinaw na istrukturang heograpikal at hindi nagaganap nang "random", at hinuhubog ng parehong panloob na mga mekanismo at panlabas na presyur klinikal. Karamihan sa mga baryante ay natagpuan sa mga bahaging hindi nagsasalin ng protina at may modipikasyong epekto, na nagpapahiwatig ng limitadong direktang epekto sa tungkulin ng hene, ngunit posibleng may papel sa regulasyon ng hene na sumusuporta sa kakayahang umangkop ng "genome". Ang "non-random" na katangian ng mga padron ng mutasyon ay pinagtibay ng "chi-square test" (p < 0.01), na nagpakita ng makabuluhang ugnayan sa pagitan ng uri ng mutasyon at pinagmulan ayon sa lokasyon, bagama’t nag-iba ang lakas ng ugnayang ito sa bawat rehiyon. Dagdag pa rito, ipinakita ng pagsusuri gamit ang "heatmap" na ang antas ng pagkakatulad ng mga padron ng mutasyon sa pagitan ng mga bansa ay hindi lumampas sa koepisyent ng pagkakatulad na 0.3 (kung saan ang 1.0 ay nangangahulugang mas mataas na pagkakatulad), na nagpapakita na ang mga padron ay tiyak sa rehiyon at hindi magkakapareho sa buong mundo. Sa kabuuan, itinatag ng mga natuklasan ang isang henomikong batayan para sa pagkakaiba-iba ng Candida albicans at binibigyang-diin ang kahalagahan ng pandaigdigang pagsubaybay henomiko sa pagmamasid ng ebolusyong pag-angkop at pag-usbong ng "antifungal resistance".

Abstract Format

html

Language

English

Format

Electronic

Keywords

Candida albicans; Mutation (Biology)

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

12-10-2025

Share

COinS