Date of Publication

12-1-2025

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Sociology

Subject Categories

Sociology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Behavioral Sciences

Thesis Advisor

Rodmar John N. Eda

Defense Panel Chair

Yellowbelle D. Duaqui

Defense Panel Member

Michael Eduard L. Labayandoy

Abstract (English)

Despite having deep historical roots—from the drag balls at Harlem, New York, to the Stonewall Riots—the presence of drag culture in contemporary mainstream media has increased its visibility and accessibility, most especially in places like the Philippines. Through Drag Race Philippines and Drag Den, the Filipino drag scene has never been more alive. Thus, this study investigates how the growing accessibility of drag culture through various forms of media influences the identity formation of Filipino cis-men. This demographic has often been overshadowed by their counterparts in previous studies; hence, this study aims to fill that gap. Using a qualitative descriptive research design, the study examines the lived experiences and consumer habits of Filipino cis-male viewers to gain a deeper understanding of the influence of drag media on individuals' self-expression and sense of identity. The results of the current study revealed that family, religion, and other social institutions, platy a vital role in shaping an individual’s identity. Meanwhile, the consumption of drag media enables the expansion of the individual’s perspectives and awareness of queer culture, as well as political and social issues. Overall, the study shows that drag media functions not only as a form of entertainment but as an educational and sociocultural force that informs and helps Filipino cis-men understand themselves and the society they live in.

Abstract Format

html

Abstract (Filipino)

Bagaman malalim na ang kasaysayan—mula sa drag balls sa Harlem, New York, hannggang sa mga Stonewall Riots—ang presensiya ng kultura ng drag sa kontemporaneong mainstream media ay ang nagpalaganap ng kakitiran at aksesibilidad nito, lalong lalo na sa mga lugar tulad ng Pilipinas. Sa tulong ng mga midya tulad ng Drag Race Philippines at Drag Den, nabuhayan ng lubusan ang eksena ng drag sa Pilipinas. Samakatwid, nais siyasatin ng pananaliksik na ito kung paano nakakaimpluwensya ang lumalawak na aksesibilidad ng iba’t ibang anyo ng drag media sa pagkakahubog ng pagkakakilanlan ng mga Filipino cis-men. Batay sa mga nakaraang mga pananaliksik, ang demograpikong ito ay madalas na natatabunan ng kanilang mga kasalungat; gayun pa man, ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang punan ang kakulangang iyon. Sa paggamit ng kwalitatibong deskriptibong disenyo ng pananaliksik, sinisiyayat ng kasalukuyang pananaliksik ang nahumay na mga karanasan at gawi ng pagkonsumo ng mga kalalakihang Pilipino ng drag media, upang magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa impluwensya ng drag media sa sariling pagpapahayag at kamalayan ng pagkakakilanlan ng mga indibidwal.

Ang mga resulta ng pagsiyasat ng kasalukuyang papel ay nagbunyag na ang pamilya, relihiyon, at iba pang mga institusyong panlipunan ay may esensyal na tungkulin sa paghubog ng pagkakakilanlan ng isang indibidwal. Samantala, ang pagkonsumo ng drag media ay nagbibigay-daan sa pagpapalawak ng mga perspektiba at kamalayan ng indibidwal ukol sa mga usapang queer culture, at mga isyung pampolitika at panlipunan. Sa pangkalahatan, ipinapakita ng saliksik na ang drag media ay gumaganap, hindi lamang bilang isang uri ng libangan kundi, bilang isang puwersang pang-edukasyon at sosyokultural na tumutulong magbigay-kaalaman at tumulong sa mga Filipino cis-men na maunawaan ang kanilang sarili at ang lipunang kanilang kinagagalawan.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Electronic

Keywords

Gender identity--Philippines; Cisgender people--Philippines

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

12-1-2027

Available for download on Wednesday, December 01, 2027

Share

COinS