Date of Publication
10-2019
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Educational Assessment, Evaluation, and Research
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Lakangiting C. Garcia
Defense Panel Chair
Raquel E. Sison-Buban
Defense Panel Member
Josefina C. Mangahis
Dolores R. Taylan
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng programang Novice sa akademikong Special Filipino sa Paaralang De La Salle Zobel. Layunin ng pag-aaral na makabuo ang kasalukuyang programa ng tool pang-ebalwasyon at makapagbigay ng rekomendasyon mula sa nakuhang datos upang higit na mapagbuti, mapagyaman at mapaunlad ang programa. Nahahati ang pag-aaral sa dalawang mahalagang salik ng programa; ang disenyo ng at ang kontent na nakapaloob dito. Layunin na matukoy ang mga nararapat isaalang-alang sa pagpapabuti bilang tugon sa rekomendasyon ng PAASCU at sa kabila na ito ay higit sa tatlumpung-taon ng kabilang sa kurikulum ng paaralan. Isinagawa ang pag-aaral gamit ang CIPP model ni Stufflebeam kung saan kinalap ang mga impormasyon ng programa sa apat na mahahalagang batayan. Ito ay ang konteksto, input, proseso at produkto na tutugon sa masusing pag-aaral at pagkakaroon ng ebalwasyon ng programa. Ginamit ang mga pantulong na instrument sa pananalikisik bilang bahagi ng metodo, ang pagsasagawa ng sarbey sa mga guro, ang interbyu at focus group discussion sa mga koordineytor, gurong nagtuturo ng asignaturang Special Filipino at maging ang mga guro sa yunit ng Filipino sa mababang paaralan at mga ilang piling mag-aaral na kumuha ng
nasabing programa. Layunin ng isinagawang metodo ang matukoy ang naging kasaysayan ng Special Filipino sa paaralan at ang naging development nito hanggang sa maging isa sa mga asignaturang inihahain sa mga mag-aaral na naging bahagi ng kurikulum. Sa pagkakataon ring ito, natukoy ang kalakasan at kahinaan ng programa kung saan nakatutulong sa pag-aaral at pagbuo ng tool pang-ebalwasyon na magagamit upang sumuri at tumimbang sa kasalukuyang programa ng Special Filipino. Pagtitibayin nito ang isang programang pinagyaman upang lubos na maging angkop at kapaki-pakinabang para sa mga mag-aaral at tutugon sa tunay na pangangailangan nila. Ang tool pang-ebalwasyon ay dumaan sa iba’t ibang balidasyon kung saan sinuri, inalisa at pinagtibay ng mga ekspert balideytor na nakatuon sa binuong tool at face balideytor na sumuri sa sarbey na ginamit. Sa kabuuan, ang tesis ay isang pag-aaral na makapagbibigay nang sapat na kaalaman na may batayang impresyon tungkol sa pagpapatupad ng Special Filipino Novice Unang Baitang hanggang Ikatlong Baitang bilang isang akademikong asignatura kung saan makakapagbigay-daan sa mag-aaral na matutunan ang kanilang ikalawang wika. Ito ay magsisilbing ambag sa pagpapabuti ng programa upang lubos na makatugon sa layunin ng paaralan na mapagyaman ng mga mag-aaral ang kanilang kasanayan at kakayahan sa pagkatuto ng ikalawang wika- ang wikang Filipino. Maituturing na makatutulong din ito upang mapagyaman ang mga susunod na lebel ng Special Filipino, ang intermediate at advance. Maaaring magsisilbing batayan ang nabuong tool pang-ebalwasyon upang maipagpatuloy ang pagbuo ng mga susunod na hakbang na may katulad na programa.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG008006
Keywords
Filipino language—Study and teaching—Evaluation
Upload Full Text
wf_yes
Recommended Citation
Sabarre, M. D. (2019). Pagbuo ng kagamitang pang-ebalwasyon sa programang novice una hanggang ikatlong baitang ng special Filipino sa paaralang De La Salle Santiago Zobel gamit ang modelong CIPP. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/6544
Embargo Period
1-31-2023