Date of Publication

12-2019

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Other Languages, Societies, and Cultures

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Rowell D. Madula

Defense Panel Chair

David Michael M. San Juan

Defense Panel Member

Raquel E. Sison-Buban
Rhoderick V. Nuncio

Abstract/Summary

Ang palengke ng San Andres sa Maynila ay isa lamang sa mga palengkeng nabago ang balangkas ng pamamahala simula ng ipasok ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang kabuoang istruktura at espasyo ng pamamahala sa ilalim ng isang joint venture agreement na pinamumunuan ng isang pribadong kompanya, XRC Mall Developers Inc.
Hinati sa tatlo ang naging pag-aaral upang mas masinop na masaluysoy ang mga ito mula sa a.) sakop at saklaw ng pisikal na espasyo ng palengke, b.) umiiral na pananaw o pagtingin ng mga tao sa espasyo ng palengke at, c.) kulturang nabuo na unik sa espasyo ng palengke. Isang bagong diwang tinawag na palengkultura ang dinalumat sa naging pag-aaral mula sa teoryang ginamit na spatial triad ni Henri Lefebvre.
Gamit ang apat na makapilipinong pamamaraan sa mga mamimili at nagtitinda ay naitahi ang kolektibong mga datos na naging tuntungan sa pagdidiskurso ng koneksyon ng heograpikal na sakop at saklaw ng palengke sa mental na proseso at pagbabago ng palengke bilang espasyo. Matapos ang naging pagdidiskurso ay nilatag ang iginuhit na pagmamapa sa kabuoang espasyo ng palengke mula sa lokasyon, pagkakabuo at pagkakahati-hati o ang heograpikal na sakop at saklaw nito upang maging tuntungan sa paglalatag ng parametro sa magiging kaakuhan ng palengke bilang isang espasyo at institusyong kultural. Nagkaroon din ng Snowball Sampling at Focus Group Discussion (FGD) para naman sa ilang kinasangkap na mamimili.
Apat na sosyal at ekonomikal na kultura ang nasuri sa pananaliksik. Una, ang suki phenomenon matapos ang pagbabagong bihis ng palengke; ikalawa, mga kuwento ng hindi matapos-tapos na tawaran at pangungutang sa palengke; ikatlo, ang kuwento at danas ng mga mamimili at nagtitinda sa naging presyo, pagpre-presyo at pagkalugi dito; at ikaapat, ang nag-uumpugang kompetisyon sa pamimili sa pagitan ng palengke ng San Andres, Puregold at palengke ng San Andres. Sa aspektong politikal naman ay nasipat ang una, tungkol sa konsepto ng Market Holiday at ang hindi natatapos na pakikibaka ng mga nagtitinda sa palengke ng San Andres magpasa hanggang ngayon at ikalawa, ang hindi nakikitang importansya ng palengke bilang isang gawain ng pampublikong serbisyo sa mga Manileño.

Susing Salita: palengke ng San Andres, espasyo, palengkultura, pagmamapa, spatial triad

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Physical Description

viii, 246 leaves

Keywords

San Andres market; Market--Philippines--Manila

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

4-7-2022

Share

COinS