Ang iligal na paghahanap-buhay sa bansang Hapon: Kaso ng anim na Pilipinang taga-aliw
Date of Publication
1993
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master of Arts in Philippine Studies
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Abstract/Summary
Ang nagpapalalang mga sitwasyon sa paggawa ng mga kababaihang Pilipinang namamasukan sa bansang Hapon ay nagbunsod sa manunulat na ipagpatuloy ang pagsubok sa pag-aaral na ito. Ang interes ay nagmula rin sa napakaraming mga nakakasalamuhang taga-aliw ng mananaliksik sa dating pinapasukang opisina na nagpapahayag ng kanilang mga naranasan sa bansang Hapon. Habang lumalaon paparami ng paparami ang naitutulak sa ganitong hanap-buhay lalo na nga ang pagiging iligal, hangang sa napapabalita ang mga peligrong kinasasadlakan na kung saan ang iba ay pinagsasamantalahan, inaabuso at pinapatay. Ang pag-aaral ng kaso ng anim na Pilipinong taga-aliw sa bansang Hapon ay isinasagawa sa paggamit ng kuwento ng buhay at ang content analysis bilang paraan sa pagsusuri ng mga kinalabasan. Ang pagkolekta ng datos ay pinasimulan sa pamamagitan ng unstructured intrerview guide at ng malawakang obserbasyon sa loob ng pamilya at ng pamayanan. Ang gabay sa pagtatanong ay binubuo ng dalawang magkaibang talahanay ng mga katanungan. Isa ay para sa mga pangunahing kalahok at ang ikalawa ay para sa dalawang taong malapit sa kalahok.
Abstract Format
html
Language
English
Format
Accession Number
TG05417
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
162, 17unnumbered leaves ; 28 cm.
Keywords
Filipino entertainers--Japan; Under-the-table employment--Japan; Foreign workers; Filipino--Japan; Filipinos--Employment--Foreign countries
Recommended Citation
Fontanilla, C. (1993). Ang iligal na paghahanap-buhay sa bansang Hapon: Kaso ng anim na Pilipinang taga-aliw. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/4425