Ekonomiya ng pagnanasa: Tatlumpung tula

Author

Allan C. Popa

Date of Publication

2006

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master of Fine Arts in Creative Writing

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Literature

Thesis Adviser

David Jonathan Y. Bayot

Defense Panel Member

Isagani R. Cruz
Romulo B. Baquiran, Jr.

Abstract/Summary

Itinatanghal sa tatlumpung tulang bumubuo sa kalipunang ito ang masalimuot na kalagayan ng tao sa edad ng konsemurismo na pinalulubha ng Katolikong pagpapahalaga; kung paano nagtatagpo at nagbabanggan sa katawan ang magkakasalungat na nasa at pangangailangan kung kaya, nababaluktot ang isipan ng tao at nagiging imposible ang hangarin niyang magpakabuti. Maglalakbay ang persona ng tula sa tatlong yugto ng kamulatan na magsisimula sa probinsya ng kanyang pagkakamuwang kung saan naitanim sa kanyang isipan ng kanyang pananampalataya ang pagnanais na maging mabuti sa pamamagitan ng pagtakwil sa makamundong pagnanasa ng katawan, kung kaya nararamdamang hindi siya kailanman sumasapatpagpapahalagang ipinahayag bilang ekonomikong ugnayan. Sa kanyang pagtungo sa lungsod, mamumulat siya sa sari-saring nasang pinupukaw ng Kapitalismo na nangangakong pupuno sa pangangailangan ng katawan ngunit dahil kasalungat ng pinaniwalaang layunin, lalo itong magpapalalim sa kanyang kakulangan. Lilikha ng internal na tunggalian ang kondisyong ito; kakailanganin niyang tumiwalag sa sarili upang litisin ang sarili: kung paano siya nasasangkot sa sistemang tinutuligsa, kung paano niya napalalaganap ang mga pagpapahalagang sumakop sa kanya gaano man siya magpumiglas laban dito, kung paanong hindi niya matatakasan kailanman ang pagiging salarin din.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Accession Number

CDTG004188

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

1 computer optical disc ; 4 3/4 in.

This document is currently not available here.

Share

COinS