Ang bagong brilyante ng pelikulang Pilipino : isang pagsipat sa kapangyarihan ng auteur at aliw sa mga obra ni Brillante Mendoza

Date of Publication

2017

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Honor/Award

Outstanding undergraduate thesis in Filipino, 2017

Thesis Adviser

Ernesto V. Carandang II

Defense Panel Member

Dolores R. Taylan
Rowell D. Madula
Ramilito B. Correa
Julio C.Teehankee

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ay isang pagsipat sa kapangyarihan ni Brillante Mendoza bilang manlilikhang Auteur at pagtukoy sa uri ng aliw na naidudulot ng kanyang mga obra. Binigyang-tuon ng pag-aaral ang pagsusri sa apat na pelikula ng direktor na Masahista (2005), Serbis (2008), Thy Womb (2012), at Ma'Rosa (2016). Isinakatuparan ang pag-aaral ng mga pelikula sa pamamagitan ng pagtutok sa tatlong elemento ng mga nabanggit na obra: ang direksyon, karakter, at istorya. Bukod dito, kinapanayam din ng mananaliksik si Mendoza maging ang kanyang mga katrabaho katulad ng kanyang publicist at scriptwriter. Nagsagawa rin ng apat na Focus Group Discussion (FGD) sa mga nakapanood ng pelikula ng direktor na nagmual sa iba't ibang sektor, kasarian, at edad. Ginamit bilang pangunahing gabay ng pag-aaral ang Teoryang Auteur ni Peter Wollen at mga konsepto ng Aliw mula sa teksto ni Soledad Reyes na Aliw: Essays on Popular Culture.

Lumabas sa pag-aaral na bilang isang manlilikhang Auteur, may kakayahan si Mendoza na maiparanas sa kanyang mga tagapanood ang realidad ng lipunan sa pamamagitan ng masining at makatotohanang paraan niya ng pagsasama-sama ng mga elemento ng pelikula. Samantala, bagaman, nilinaw ni Mendoza na hindi nya layunin ang makapagpasaya at nakatuon ang kanyang atensyon sa pagtalakay ng mga isyung panlipunan, lumutang pa rin ang iba't ibang uri ng Aliw na naidudulot ng kanyang mga pelikula sa mga tagapanood. Kabilang sa mga ito ang aliw na may kaugnayan sa konsepto ng Fanaticism, Limang Pisong Pag-ibig ni Soledad Reyes, Diskurso ng Pornograpiya ni Benilda Santos, Pleasure by Postponement ni Cirilo Bautista, at Aliw sa Buhay Pilipino ni Jose Mario C. Francisco, S.J.

Sa kabuuan, mula sa pinagsamang pagsusuri sa kapangyarihan ni Mendoza bilang Auteur at sa uri ng aliw na naidudulot ng kanyang mga obra, lumalabas na mayroon siyang kakayahan at ang kanyang mga likha na mabago ang pananaw at/o mapakilos ang kanyang mga tagapanood.

Abstract Format

html

Format

Print

Accession Number

TU19425

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

[10], 383 leaves : illustrations (some color) ; 28 cm.

Keywords

Motion pictures -- Philippines; Cinematography -- Philippines

This document is currently not available here.

Share

COinS