Flagellation: Isang pagsipat sa tradisyon ng pagpepenitensiya ng mga Mandarame at Kristo ng San Pedro, Cutud, Pampanga
Date of Publication
2009
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Honor/Award
Awarded as best thesis, 2009
Thesis Adviser
Maxwell Felicilda
Defense Panel Member
Genaro Gojo Cruz
Rowell D. Madula
Abstract/Summary
Ang pagdiriwang ng Mahal na Araw ay isa sa mga taunang pagdiriwang na pinakahihintay at pinaghahandaan ng mga Pilipino. Ito ay kumakatawan sa kanilang pagiging relihiyosong mga tao. Sa kanilang pagdiriwang ng mga araw na ito, kakikitaan ito ng maraming mga ritwal o tradisyon na bumubuo sa kanilang Lenten Practices. Ilan sa mga ito ay ang Bisita Iglesia, pagbabasa ng Pasyon, Salubong, atbp. Ngunit para sa mga mamamayan ng San Pedro, Cutud, Pampanga, ang panahon na ito ay panahon ng pagpapakasakit sapagkat isa sa kanilang pangkuaresmang gawain ay ang flagellation sa pamamagitan ng pagpapadugo at pagpapapako sa krus. Sa katunayan, kilala ang lugar na ito sa kanyang Lenten Rites, partikular na ang mga flagellation na ito na nakilala hindi lamang sa buong Pilipinas kundi pati sa iba't-ibang bahagi ng mundo kung kaya't naging isa na itong tourist attraction.
Ang tisis na ito ay tungkol sa flagellation na nagaganap sa San Pedro, Cutud Pampanga tuwing Mahal na Araw, partikular na sa araw ng Biyernes Santo, ang araw ng kamatayan ni Kristo. Pag-aaralan ng tisis na ito ang nagiging ideolohiya ng mga flagellants sa kanilang patuloy na pagsasagawa ng tradisyon o ritwal ng flagellation bilang paraan ng kanilang pagpepenitensiya. Susuriin din ng pag-aaral na ito ang pinagmulan ng naturang tradisyon sa pamamagitan ng pagtingin sa pre-Christian Filipino mentality at Christian Filipino mentality. Sa pamamagitan nito, ilalahad ng tisis na ito ang mga pagbabagong naganap sa mismong ritwal at paniniwala sa flagellation sa paglipas ng panahon na magbibigay daan sa pagunawa sa konsepto ng flagellation sa kasalukuyang konteksto.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU14908
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
x, 220 leaves : col. ill. ; 28 cm.
Keywords
Flagellation--Philippines--Pampanga; Lent--Philippines
Recommended Citation
Espiritu, E. Z. (2009). Flagellation: Isang pagsipat sa tradisyon ng pagpepenitensiya ng mga Mandarame at Kristo ng San Pedro, Cutud, Pampanga. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_honors/291