Hablandolo lo peor posible: Si ate Glow sa mala-kanyang Gloria, at ang politikal na impersonasyon

Date of Publication

2009

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Honor/Award

Awarded as best thesis, 2009

Thesis Adviser

Rhoderick V. Nuncio

Defense Panel Member

Jose Rhommel B. Hernandez
Ramilito B. Correa

Abstract/Summary

Nilalayon ng pag-aaral na ito na bigyang kahulugan at paglalarawan ang politikal na impersonasyon sa Pilipinas gamit ang impersonasyon ni Rene Boy Facunla sa Pangulong Arroyo gamit ang maskarang Ate Glow. Isang paraang ginawa ang muling paghalungkat sa kasaysayan ng bansa, at mula dito ay bumuo ng sariling pagyuyugto kung saan nakapaloob ang iba't ibang katangian at ang pag-ebolb ng isang simpleng panggagaya tungo sa politikal na impersonasyon. Ang politikal na impersonasyon ay maituturing na pinagsamang panggagaya (impersonasyon) at pagbabatikos o panggagagad sa isang politiko, maaaring ilarawan ang pagbatikos na ito gaya ng sa isang political satire. Ang kabuohan ay nilapatan ng carnivalesque theory ni Bakhtin. Hangad maipakita sa carnivalesque ang pagkakaiba at labanan ng dalawang pwersa: ang panlipunang kaayusang binuo ng isang kulturang opisyal laban sa api na tinawag niyang kulturang carnival. Samantala, kasama rin sa pag-aaral na ito ang kahalagahan ng mga panlipunang isyung bumuo sa maskarang Ate Glow. Nagbigay ito ng mga kontrobersiya na siyang nagpakita ng pangangailangang maiimpersonate ang Pangulo; gaya ng pag-usbong din ng mga text joke sa bansa. Sa huli ay inilahad ang mga proseso at teknik sa pagtatanghal ng impersonasyon; ang biswal ay ang pagkopya sa pisikal na katangian-mula ulo hanggang paa- ng impersonador sa kanyang paksa. Binigyang empasis ni Rene Boy na hindi maaaring mawala ang pagkopya sa nunal, pananalita, at kasuotan ng Pangulo dahil ang mga ito ang nagbibigay distinksiyon sa kanya bilang impersonador ng Pangulo. Kasama rin sa bahaging ito ang pagbasa sa layunin ng impersonasyon ni Ate Glow-political o apolitical-kung saan inilarawan ni Facunla na ang madalas na nakikitang impersonasyon niya sa Pangulo ay nagpapakita ng mga nakakatuwang bagay na hindi nito karaniwang ginagawa (pagsayaw, pagkanta at pagpapatawa). Sa kabila nito, batay sa resulta ng mga sarbey hinggil sa popularity rate ng Pangulo, naging mailap ang pagmamahal ng tao sa kanya (PGMA) habang si Ate Glow naman ay kinatutuwaan ng nakararami pati ng Pangulo mismo. Isang resultang nagbibigay patunay sa carnivalesque bilang pagkuha ng gahum ng kulturang carnival. Gamit ang reaksyon ng awdiyens sa impersonasyon ni Ate Glow, masasabing ito ay isang masining na rebolusyong nakapagdudulot ng ideolohiya at katatawanan.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU14882

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

197 leaves : col. ill. ; 28 cm.

Keywords

Presidents--Philippines; Gloria Macapagal Arroyo impersonators; Political satire; Philippines

This document is currently not available here.

Share

COinS