Isang komparatibong analisis ng salin ng orihinal at dubbed ng Hana Kimi-Taiwan
Date of Publication
2009
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Honor/Award
Awarded as best thesis, 2009
Thesis Adviser
Genaro R. Gojo Cruz
Defense Panel Member
Raquel E. Sison-Buban
Rowell D. Madula
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay ukol sa pagsusuri at paghahambing sa pagkakasalin sa aspetong wika at kultura na makikita sa takbo ng dayalogo ng orihinal at dubbed na bersyon ng Hana-Kimi Taiwan. Bibigyang diin din ang pagsusuri sa aspetong kultural na nakapaloob sa nasabing programa at kung papaano nito nasasalamin ang kulturang Pilipino.
Gagamitin sa pag-aaral na ito ang Discourse Analysis upang suriin ang mga nasabing paghahambing. Mula rito, gagamitin ang transkrip ng mga dayalogo mula una hanggang ikatlong kabanata ng programa upang maging batayan sa gagawing paghahambing pagdating sa aspeto ng wika at kultura na makikita sa orihinal at dubbed na bersyon. Sa susunod na kabanata, ang mismong programa na Hana-Kimi ang susuriin upang makita ang mga indikasyon ng kulturang Pilipino.
Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, makikita ang mga pagbabagong naganap sa proseso ng pagsasalin kung saan isang malaking aspeto ang gamit ng wika at ang kunsiderasyon sa kultura ng target audience. Sa kabuuan, nais tugunan ng pag-aaral na ito ang mga mahahalagang aspeto na importanteng makita at mapuna habang nasa proseso ng pagsasalin upang sumalamin ito sa konteksto ng target na audience.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU14885
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
viii, 189 leaves ; 28 cm.
Keywords
Translating and interpreting; Dubbing of motion pictures; Discourse analysis; Language and culture
Recommended Citation
Ang, E. V. (2009). Isang komparatibong analisis ng salin ng orihinal at dubbed ng Hana Kimi-Taiwan. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_honors/288